"Before, nagiging mommy na rin ako. Mommy roles na rin yung natatanggap ko. At saka I'm turning 30, so siguro naman, di ba? Okey lang yun sa akin, kung mag-iinarte pa ako, ewan ko na lang... Kahit lola puwede, e!" says Tanya Garcia about accepting mother roles.

Photo: Noel Orsal

Nagbabalik sa sirkulasyon ang aktres na si Tanya Garcia.

Pumirma siya ng management contract sa Viva Artists Agency (VAA) last week.

"Sayang, e. Sa apat na taon na semi-retired, ang daming inquiries kung puwede ba ako sa ganito o puwede sa ganyan.

"For four years, talagang nag-no ako.

"Sa first [baby ko], gusto ko talaga 100 percent na atensiyon ko nasa baby ko. 24/7 talaga.

"Isang taon talaga nasa kamay ko bago siya nahawakan ng yaya niya.

"Pero yung pangalawa, medyo relaxed na ako.

"Mas alam ko na kung paano siya alagaan, at puwede ko nang iwanan sa mom ko na wala naming masamang mangyayari, sa mga yaya.

"Kaya sabi ko, 'Sige!'

"Kasi before, paranoid ako, parang may mangyayari sa baby ko pag wala ako sa tabi niya, yung ganoong feeling.

"Pero ngayon, puwede na talaga," saad ni Tanya nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa contract signing nila ni Cogie Domingo sa Viva last week.

TWO-YEAR CONTRACT. Two years ang kontratang pinirmahan ni Tanya sa Viva Artist Agency.

Ano ang unang project na gagawin niya?

"Malamang TV. Babalik muna sa TV," sagot niya.

"Sabi po ni Ate VR [Veronique del Rosario], marami silang movies na ipo-produce.