"Actually, for me, maliit na bagay lang yun kasi isa lang naman ang nagsasabi na minaltrato ko siya. Pero yung kabuuan ng mga taong nakakakilala sa akin at nakakasama ko, alam nila kung anong klase akong tao," says Nina about the allegation of maltreatment towards her former personal assistant.

Photo: Glen P. Sibonga

Dagdag pa ni Nina, "OA lang para sa akin kasi parang na-leave out naman yung detail na may ganito ka pang natatanggap per month, tapos may libre pang kain sa shows."

Ayon din sa kuwento ay nagsalita pa raw ang manager ni Nina na sa halagang P200 ay nakakakita naman daw ng artista ang nasabing P.A. pag sumasama ito sa mga lakad ng singer.

"OA naman!" napapailing na reaksiyon ni Nina.

"Hindi naman ako magha-hire ng P.A. na, 'O, sasama ka sa akin, makakakita ka ng artista, yun ang bayad.'

"Hindi naman ganun mag-hire ng assistant, di ba? 

"Kung magha-hire ka, sabihin mo sa kanya ang trabaho niya, bonus na lang kung makakita siya ng artista."

THE HISTORY. Ikinuwento ni Nina sa PEP kung paano napunta sa kanya ang nag-aakusang P.A.

"Ang kuwento kasi niyan, kaya siya napunta sa akin, actually dati sa kampo siya ni Nyoy [Volante].

"Tapos naaksidente siya, nakaladkad siya ng trike. 

"Sabi ko, 'Kanino ka hihingi ng tulong? Kanino ka nagtatrabaho?'

"Kina Volante, pero parang in-ignore siya. So, ang nangyari, hindi siya nakapasok dahil nga sa aksidenteng yun.

"Dahil hindi siya nakapasok, tinanggal siya. 

"Tapos, nagkita kami sa mall show ko, ikinuwento niya sa akin yung nangyari.

"Sabi ko, 'Sige, walang problema, bibigyan kita ng trabaho.'

"Magkakilala naman kami dati, wala namang kaso sa akin.