"Nakokompromiso ang values ko as a person. Hindi ako nakikipaghalikan sa kung kani-kanino sa totoong buhay. So, what's the point na makipaghalikan ako for work?" explains Alessandra de Rossi about not doing kissing scenes.

Photo: Noel Orsal

"I'm back!"

Ito ang bonggang sagot ni Alessandra de Rossi nang tanungin kung ano ang pakiramdam niya na balik-Kapuso network na siya, sa press conference ng afternoon series na Sinner or Saint na ginanap kagabi, June 7, sa Kamayan restaurant sa West Avenue, Quezon City.

Dugtong pa niya, "Masaya. Kagabi, guest ako sa Arnold Clavio.

"Sabi ko, natuwa lang ako. I'm an artista with papeles. For the first time in my career."

GUARANTEED CONTRACT. Talaga bang first time niyang magkaroon ng kontrata sa isang network?

"Oo! Totoo!" bulalas niya.

"Well, nagka-contract naman ako sa ABS-CBN noong Star Circle Batch 7 ako.

"That was...13 lang ako. Thirteen years ago.

"Pero hindi naman nila ako ginamit, di ba, isang show lang nabigay sa akin."

Two years guaranteed contract daw ang pinirmahan ni Alex sa GMA Network. 

Pero ang offer ba na ito ng network sa kanya ay biglaan?

"No, actually, last year, nag-uusap na kami ng manager ko [Manny Valera].

"Kasi nga, palagi kaming nagkakaroon ng problema sa sobrang laki ng mga binabayaran ko.

"Wala namang guarantee na bukas, may trabaho ako, di ba?