news

Vic Sotto relates funny way he learned about daughter-in-law Kristine Hermosa's pregnancy

by Rommel R. Llanes posted on June 10, 2011  STATS: 102584 Views | 21 Comments

 

"I want him to learn everything on his own. I want him to experience... Hindi yung ipi-preempt mo na, 'O, ganito ang feeling niyan, ganito ang mararamdaman mo, ha.' Let him expect the unexpected," says Vic Sotto on son Oyo's introduction to fatherhood.

Photo By: Noel B. Orsal

Doble ang kasiyahan ngayon ni Vic Sotto dahil sa nalalapit na pagsilang na naman ng panganay niyang si Danica Sotto-Pingris at ng pagbubuntis ng manugang niyang si Kristine Hermosa-Sotto.

"Doble-doble talaga!" sabi nga ni Bossing nang makaharap ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press na nagsidatingan sa media launch ng Nokia Dual Sim phones na C2-00 at X1-01.

Parehong ineendorso ni Vic ang mga nabanggit na cellphone units na ilalabas pa lang sa market.

"Buntis si Danica, six months, at si Tin, going two months," balita pa ni Vic sa mga nag-interview sa kanya kahapon, June 9, sa Spicy Fingers Restaurant sa Greenbelt 2, Makati.

"I'm feeling good. Dobleng excitement..." tila wala nang masabi pa dahil sa kasiyahang nararamdaman na pagpapatuloy ni Vic.

"Basta yung kay Danica, babae. Alam na nila yun.

"Yung kina Tin and Oyo, hindi pa namin alam. Malayo pa."

Babae raw ang gusto sana ni Vic para sa magiging apo niya sa anak na lalaking si Oyo at sa asawa nitong si Kristine.

"May lalaki na, e. Para hindi masyadong magulo!" natawa pang sabi ng 57-year-old actor-TV host.

Lalaki kasi ang panganay nina Danica at ng asawa nitong professional basketball player na si Marc Pingris.

Jean-Michele ang pangalan ng unang apo ni Vic na magtatatlong taon na ngayong buwan.

POSITIVE. Ikinuwento pa ni Vic ang nakakatawang paraan ng pagkakaalam niya ng pagbubuntis ni Kristine.

"Nang mag-text si Oyo, it was, uh...umaga, e.

"Tulog pa 'ko, nagising akong gano'n. Ang laman ng text, sabi niya, 'Dad, positive.'

"Sabi ko, 'Yeah, I'm always positive.'

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

21 Comments

  • 21  lema

    06/17/2011 | 04:18 PM
    ang sweet naman pala ni oyo. swerte si tin sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 20  pepreader123

    06/15/2011 | 10:03 AM
    guwapo ba si vic sotto sa personal?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  chessygirl

    06/13/2011 | 01:07 AM
    wat gud about oyo din hindi niya ginaya ang ama niya na nagkalat ng lahi sa different girls,,maayos at naging centro si oyo,,bilang lalake,,i think,yung pagiging mabuting ama ni vic ay mamana ni oyo,.and we hope,,sila ni tin maging centro ang dyos sa relasyon nila lalo na now magkakaroon na silang anak,,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  chessygirl

    06/12/2011 | 02:26 AM
    funny nga,,be positive in life,,hehe,,iwasan mga nega na tao kase,,,ewwww,,.hehe,,well,,ang bilis magbuntis ni tin,sayang mamahinga sya ng matagal sa showbiz muna,,we miss kristin,,saa nga maging mabuting ama at ina sila ni oyo,,at magsama ng matatag in gods guidance at bible,,itong si vic mukhang hindi na mag aasawa iyan sa dami na nyang anak sa loob at labas,,,heheheh..wag na nga naman,,baka mawala sa focus,,o kaya,,problema pa,,hehe,,o kaya,,sila nalang ulit ni dina,,diba?mas ok,,,well,,well,,,congrats kina tin at oyo,,yun lang..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  galore

    06/11/2011 | 01:04 AM
    JIM CARREY ng Pilipinas, ride on, Sir Vic
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  ehemm

    06/11/2011 | 12:08 AM
    sang-ayon ako sa kay lalim na iyong tinuran, maningning. mapalad nga ang mga supling ni victorio lols. nawa'y magpatuloy ang iyong pagmamahal sa ating sariling wika bilang iyong panatang makabayan lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  maningning

    06/10/2011 | 11:21 PM
    Mapalad sina Oyo at Kristine sapagkat magkasundo ang kanilang mga magulang at pinagsasaya nilang lahat ang pagbubuntis niya. Narinig ko pang binanggit ni Bossing sa Eat Bulaga ang ama at ina ni Kristine na sa hula ko'y dinalaw niya noong nagkaroon ng pagtatanghal ang EB sa Vancouver nitong Abril.Hiling ko sa Dios na magpatuloy ang magandang samahan hindi lamang mag-asawa kundi ng magbalae.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  12dec2007

    06/10/2011 | 11:01 PM
    congratz....po....super lolo...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  ehemm

    06/10/2011 | 07:55 PM
    lols at positive. pogi ba talaga si vic in person? if so, maybe because he is positive always lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  winonao1

    06/10/2011 | 07:09 PM
    oyo is sweet
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  sw4237

    06/10/2011 | 06:45 PM
    happy birthday bossing!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  jakar

    06/10/2011 | 05:47 PM
    congarulations bossing!!! good health para sayo..family at mga apo's mo...god bless!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • chick_lette

    06/10/2011 | 04:07 PM
    congrats tin and oyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • natacia

    06/10/2011 | 03:28 PM
    sino GF ni bossing ngayon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • Deane_2005

    06/10/2011 | 03:09 PM
    iba tlaga si bossing hindi kumukupas
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    06/10/2011 | 02:51 PM
    Kaka-kilig talaga si Tintin at Oyo para silang sa pocketbook! hayyyyyyyyyyyyyyy
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • djelibeybi

    06/10/2011 | 02:32 PM
    happy birthday bossing! lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • kapusoakotalaga

    06/10/2011 | 01:51 PM
    iba talaga sumagot si bossing. halatang may breeding, napaka galing sumagot sa mga tanong.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • yobuchi

    06/10/2011 | 01:49 PM
    ganda cguro ng magiging anak nila n OYO.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • fatedtoloveyou25

    06/10/2011 | 01:33 PM
    ang gwapo pa din ni bossing..habang nagkakaedad cya lalo cyang gumagwapo.pansin nyo..hnd na nagdidikit c vic ke pia....hnd gaya dati n bgo mag announce c pia n engage cya..lagi nasa tabi nya c bossing..well tama lng bossing..distansya kna lng...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About