(Top, from left) Barbie Forteza, Bea Binene, Yassi Pressman and Kim Komatsu; (bottom, from left) Joshua Dionisio, Jhake Vargas, Derrick Monasterio and Ken Chan.

Photo: Courtesy of GMA-7

Sa kabila ng malakas na ulan dulot ng bagyong Dodong noong Wednesday, June 8, masayang-masaya pa rin ang cast ng Reel Love Presents Tween Hearts sa taping nila sa Casa Milan in Fairview, Quezon City. 

Kabilang sa cast na naroon nang araw na 'yon sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, at Jake Vargas, at ang bagong members ng cast na sina Yassi Pressman, Kim Komatsu, at Ken Chan. 

Wala sina Joyce Ching at Kristoffer Martin dahil nag-taping muna sila ng Munting Heredera at babalik na lang sa second location nila.

Bumati rin sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Direk Gil Tejada, na pansamantalang pumalit kay Direk Gina Alajar dahil nagte-taping naman ito ng epicseryeng Amaya sa Pagsanjan, Laguna. 

Kinumusta namin si Direk Gil sa pagdidirek sa tween stars.

"Masaya silang idirek at kahit nagkukulitan ang mga 'yan, kapag eksena na, tahimik na sila at nakukuha kung ano ang hinihingi ng kanilang role," sagot ni direk Gil. 

"Binati ko nga sila dahil starting Sunday pala, June 12, start na rin ng third season nila.

"Mahaba na ang itinagal ng kanilang Sunday drama series."

BARBIE & JOSHUA. Iisa naman ang sagot ng tween stars nang tanungin ng PEP kung ano ang feeling na nasa third season na sila.

Ani Barbie Forteza, "Ang saya nga po namin, third season na, parang kailan lamang kami nag-start.

"At sabi po ni Ms. Hazel [Abonita, program manager] at Ms. Mona [Mayuga, executive producer], hanggang September pa raw po kami."

Tinanong din si Barbie tungkol sa isyu na may crush daw ang ka-loveteam niyang si Joshua Dionisio sa young singer na si Julie Ann San Jose.

Nasagot na raw nila iyon sa Showbiz Central last Sunday, kunsaan nag-deny si Joshua.

Inamin naman ni Barbie na si Joshua ang pinaka-close na lalaki sa buhay niya ngayon.

JHAKE & BEA. Napansin naman naming medyo malungkot si Jhake Vargas, kaya tinanong namin siya kung kasama niya ang father niya.