Jennylyn Mercado to her biological mother: "Kung hindi mo pa rin ako kayang tanggapin bilang anak, irespeto mo na lang ako bilang tao."

Rommel Gonzales
Monday, June 13, 2011 @ 03:13PM  |  218 views

"Bakit kailangan niya akong sirain? Kasi kung mahal mo yung anak mo at kung totoo ka bilang isang ina, hindi mo gagawin yun, e, hindi mo sasaktan yung anak mo, hindi mo sasabihang sinungaling. Aalagaan mo... Unang-una, hindi mo siya iiwan, hindi mo siya ide-deny. So, anong klaseng ina yung gumagawa ng mga ganung bagay?" says Jennylyn Mercado about her biological mother Jinkee.

Photo By: Noel Orsal













"Siyempre, kung ikaw bilang isang ina, kung mahal mo yung anak mo, hindi mo gagawin yun.

"Hindi mo siya kayang sirain, hindi mo siya kayang pagsabihan ng hindi magagandang salita."

Ito ang reaksiyon ni Jennylyn Mercado sa mga naging pahayag ng kanyang biological mother na si Jinkee sa panayam nito sa programang The Buzz noong nakaraang Linggo, June 5. (CLICK HERE to read related story.)

Inilabas naman ni Jennylyn ang kanyang saloobin sa taped interview sa kanya ni Pia Guanio sa Showbiz Central kahapon, June 12.

Sinagot din ni Jennylyn ang iba pang mga alegasyon ng kanyang tunay na ina.

COMMUNICATION GAP. Una na rito na hindi raw totoong hindi nakikipag-communicate si Jinkee kay Jennylyn all throughout her daughter's childhood, na pinadadalhan pa raw ni Jinkee ng pera si Jennylyn.

"Ang masasabi ko diyan is that's a lie!" marring sabi ni Jennylyn.

"Kasi ang communication namin, recently lang, e. It started January this year.

"Grade Four ako nung huli ko siyang nakita at hindi niya ako ipinakilala bilang isang anak dun sa asawa niya.

"Simula Grade Four ako until last year of December, wala kami kahit isang communication.

"Walang kahit anong padala, walang kahit anong pagtanggap bilang isang anak, walang ganun.

"In fact, hindi pa alam ng family niya na may anak siya hanggang ngayon.

"So, I think kaya siya nagre-react ng ganyan dahil nalaman na ng family niya na, 'Oh, may anak siya!'

"So, parang protection na lang for herself yun."

Sa interview ng The Buzz kay Jinkee ay hindi ito humarap sa kamera, at tanging likuran lamang niya ang ipinakita.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

88 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name