Bianca Manalo denies being third party to John Prats-Rachelle Ann Go breakup

Allan Sancon
Thursday, June 16, 2011 @ 05:23PM  |  71717 views

 

 

"Kasi bilang babae, kung ako rin po ang nasa isang relasyon at galing sa isang relasyon, napakasakit din namang isipin kung mapunta ka sa ganung klaseng sitwasyon, na may maririnig kang ganun, na ikaw third party daw. Sino ba naman ang may gusto nun? Ngayon na nalalagay pa ako na bilang sinasabing 'third party' daw, na hindi po talaga, masakit po talaga."

Photo By: Noel Orsal













Nadadawit ang pangalan ng former beauty queen na si Bianca Manalo sa breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go.

Ilang araw kasi bago lumabas ang kumpirmasyon ng paghihiwalay nina John at Rachelle ay nabalita ang panunukso ng Happy Yipee Yehey! hosts sa young actor at kay Bianca. (CLICK HERE to read related story.)

Magkasama sa noontime show ng ABS-CBN sina John at Bianca.

Pero mariing pinabulaanan ni Bianca na siya ang "third party" sa breakup ng kanyang co-host sa dati nitong girlfriend.

Aniya, "Nirerespeto ko po kung anong relasyon meron sila.

"Kung may pinagdaanan po silang dalawa, labas na po ako dun, wala po akong kinalaman talaga.

"Ako po, bilang babae, ayaw ko po sanang mailagay sa ganyang klaseng isyu—na may third party."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bianca pagkatapos ng Happy Yipee Yehey! noong Martes, June 14.

Ayon pa sa beauty queen turned TV host-actress, "Kahit naman siguro sino, ayaw yung hihiwalayan ka para sa isa pa. Ang pangit naman po nun.

"Kahit ako naman yung nasa lugar ni Rachelle, e, sino ba naman ang may gusto nun?

"So, sana po i-out n'yo na ako dun.

"Kasi po, wala po talaga akong kinalaman doon."

THIRD PARTY. Ano ang naging reaksiyon ni Bianca nang malaman niyang siya ang itinuturong "third party" sa paghiwalay nina John at Rachelle?

"Sobra! Sobra akong na-hurt!" sambit niya.

"Kasi bilang babae, kung ako rin po ang nasa isang relasyon at galing sa isang relasyon, napakasakit din namang isipin kung mapunta ka sa ganung klaseng sitwasyon, na may maririnig kang ganun, na ikaw third party daw.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

87 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name