Ruffa Gutierrez insists she is "loveless" despite presence of Eduardo

Ruben Marasigan
Monday, June 20, 2011 @ 10:24AM  |  94 views

 

"Ayoko muna. Marami pa akong priorities na kailangan kong asikasuhin. Hindi mura tuition fee ng mga bagets [mga anak niya] my God, sa international school!" says Ruffa Gutierrez while claiming that she is loveless now.

Photo By: Rommel Llanes













Iba ang ambience kahapon, June 19, sa studio ng TV5 kung saan umeere ang showbiz-oriented talk show na Paparazzi.  Ito ay dahil sa birthday celebration ng isa sa mga host nito na si Ruffa Gutierrez. 

Nakakalat ang pink and white balloons sa floor. Tapos sa isang bahagi ng set ay nakahilera ang mga makukulay at specially-made birthday cakes galing sa iba't ibang establishments at kompanya ng products na ini-endorse ng actress-TV host.

Pero ang labis na naka-touch sa puso ni Ruffa ay pagtawag ng daddy niyang si Eddie Gutierrez para magbigay ng birthday message sa kanya. 

Teary-eyed kasi ang veteran actor habang ipinapahayag ang labis nilang pagmamahal kay Ruffa na dahil nag-iisang babae ay "prinsesa" ng pamilya Gutierrez nga raw ang turing nila. 

Hindi naiwasan ni Ruffa na maiyak na rin habang pinakikinggan ang sinasabi ng kanyang ama na madaling araw pa lang daw ay binati na niya ng Happy Father's Day. Daddy's girl daw kasi siya. 

At naaalala raw lagi ni Ruffa 'yong mga panahong bata pa siya at sa Amerika pa sila naninirahan. 

Iyon 'yong panahong pagbebenta ng mga kaldero ang pinagkakakitaan ng kanyang pamilya.

Kapag nagde-demonstrate daw ang daddy niya, siya ang nagsisilbing assistant na taga-abot ng mga set ng kitchenware na ipinapakita sa mga binibentahan nila.

"Meron ako laging five dollars kapag nakakabenta kami!" natawang kuwento ni Ruffa sa mga co-host niyang sina Dolly Anne Carvajal, Mo Twister, Cristy Fermin, at guest co-host nila na si Zoren Legaspi na siyang nag-i-interview sa kanilang mag-ama.

"Kapag walang benta, umuuwi kaming lahat na luhaan! 'Yon... so I would always help them. 

"Si Daddy ang taga-demo, ako ang assistant, si Mommy naman ang nagsi-sales talk."

CHARITABLE ACT. After the show, nilapitan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruffa for an interview. Ikinuwento niya ang naging birthday celebration niya kasama ang ilang kabataan mula sa World Vision sa Baseco compound.

"Yesterday [June 18], nasa Baseco compound ako sa Tondo with the World Vision Kids.

"So, natutuwa naman ako kasi finally, nagkaroon ako ng time to celebrate my birthday with them. 

"Kasi ilang beses na rin akong in-invite ng World Vision. And I think it's very positive that I start ang kick-off the festivities with being with the kids."

1  2  3  4  5  6  7  8  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name