Janice de Belen (left) makes a comeback to ABS-CBN as part of the upcoming primetime series Budoy. He ex-husband John Estrada (right), on the other hand, is a regular talent of the Kapamilya network.

Photo: Noel Orsal

Magbabalik sa Kapamilya network ang aktres na si Janice de Belen.

Kasama siya sa upcoming primetime series na Budoy, pagbibidahan ni Gerald Anderson.

Sa story conference ng Budoy noong Biyernes, June 17, ay muling tumuntong sa bakuran ng ABS-CBN si Janice.

Sa panayam ng The Buzz sa aktres, aminado siyang medyo nakakaramdam siya ng nerbiyos.

"Medyo nakakanerbiyos nang konti. Nakaka-overwhelm. 

"I'm really excited, I'm really, really looking forward to not only the story, but to be here again.

"I've known a lot of people here. I've worked... I have a lot of friends here.

"I want to see them again or work with them again," saad niya.

Maliban sa kanyang mga nakatrabaho, usap-usapan na rin ang posibleng muli nilang pagkikita ng dating asawang si John Estrada, na host ng noontime show na Happy Yipee Yehey! at bahagi ng teleserye na Minsan Lang Kita Iibigin.

Pero ngayon, handa na ba silang harapin ang isa't isa, lalo pa nga't nasa iisang network na sila? 

Hindi ba magiging awkward na nasa same station na sila ng kanyang ex-husband?

"No," sagot ni Janice.

In fact, ine-expect na raw ni Janice na posibleng maging isyu na nasa iisang istasyon na sila ni John.

"It's a work area and everything is work," sabi niya.

Paano kung magkakasalubong sila sa hallway?