Prince Stefan on gay rumors: "Hindi yun totoo!"

Rommel Gonzalez
Tuesday, June 21, 2011 @ 05:01PM  |  25398 views

The 22-year-old Prince Stefan talks about his daring photos, indecent proposal, and gay rumors.

 

"Ang daming naninira sa akin, ang daming may ayaw sa akin, ganun talaga, e, hindi mo talaga mapi-please lahat," he says.

Photo By: Noel Orsal













Sexy and serious!

Ito ang imaheng ipinapakilala ngayon ng StarStruck alumnus na si Prince Stefan, na kamakailan ay nagkaroon ng isang daring pictorial para sa isang showbiz magazine, kung saan nakasama niya ang iba pang Kapuso hunks.

Sa interview sa kanya ng Showbiz Central, napag-usapan ang madalas niyang pag-pose nang shirtless, at kung minsan pa nga ay hubo't hubad.

Ang unang tanong ay tungkol sa mga daring pictures nitong kumakalat sa Internet. Bagamat aminado siya na may sobrang sexy na pictorial ito para sa ilang magazines, nilinaw niyang hindi lahat ng napo-post sa Internet ay siya.

Paliwanag niya, "May mga lumalabas na edited, like kumuha ng katawan na naked, tinanggal yung ulo 'tapos nilipat yung ulo ko.

"Kasi naman sa picture, naiba yung skin tone ng lower na body part ng lalaki na nakahubad dun sa ulo na dinikit.

"Kasi yung ulo na dinikit, dark, yung lower part na nakahubad na katawan is maputi.

"Hindi ko magagawa yun, and gusto ko lang i-clear na hindi ako yun."

Dahil sa madalas niyang pagpapakita ng kanyang  katawan, may ilang seryosong indecent proposal na raw siyang natanggap.

"Like sa FaceBook, ang daming message na kung...ganito, 'Let's have dinner,' 'Let's have...' alam mo na, or indecent proposal.

"Feeling ko, lalaki na nakikitaan nila na gusto nila or good-looking or maganda katawan, feeling ko it's natural na magkaroon ng indecent proposal," aniya.

Hindi man daw tumatanggap ng indecent proposals, may ilan naman daw nagsasabing madalas daw makita si Prince na lumalabas-labas na may kasamang bading.

May ilang espekulasyon pa sa mga online forum na kumukuwestiyon sa pagkalalaki ng dating Kapuso talent.

"Hindi yun totoo!" ang mabilis nitong pagkontra.

"Well, ah, there was a time na parang lagi kong nadidinig, ang dami kong nababasa. Well, hindi kasi lahat ng tao magugustuhan ka, e, you can't please everybody.

1  2  Next »

Related Articles

40 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name