"Pag kausap mo siya, may sense siyang kausap. So iyon yung okay sa kanya, na akala natin, di ba, parang basagulero, ganyan. Pero ngayon, parang nagbabago na siya, soft-spoken, ganyan. At nagba-violin!" says Mr. Fu about Andrew Wolff.

Photo: Noel B. Orsal

Ang model-actor na si Andrew Wolff ang special guest ni Mr. Fu sa nakaraang birthday celebration niya na ginanap sa isang spa.

Ni-request ba niya si Andrew?

"Hindi naman," tanggi niya.

"Hindi, kasi si Andrew, nakasama ko siya sa P.O.5, tapos ano, nakakasama ko sa dressing room.

"So, kuwentu-kuwentuhan kami, ganyan. So, mabait na tao pala si Andrew," kuwento ni Mr. Fu sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Gaano sila ka-close kapag nasa dressing room? Gaano sila kakumportable?

"Usap lang, mga buhay-buhay."

Nagbibihis ba ang hunky model kahit kaharap siya?

"Oo!" 

Hanggang saan naghuhubad si Andrew sa harap niya?

"Hanggang dito lang, pang-itaas lang. Ibaba, 'wa!" tawa ni Mr. Fu.

Attractive ba si Andrew para sa kanya?

"Oo naman!" sambit niya.

"Sino ba naman...magiging choosy pa ba ako, di ba? In fairness."