Special recognition ang ipinagkaloob kay Christopher de Leon, bilang Ulirang Artista Lifetime Achievement Award recipient, ng mga bumubuo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa ginanap na 27th Star Awards for Movies noong Martes, June 21, sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila.
Lalong naging special ang pagkilala sa aktor, direktor, public servant (senior board member ng Batangas province), at padre de pamilya sa pamamagitan ng masaya at makabuluhang tribute ng mga totoong nakakakilala at nagpapahalaga sa naging ambag ni Boyet sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa natatanging tribute ay tinaguriang "henyo sa pag-arte," "haligi ng industriya," at "nag-iisa" sa kanyang kategorya si Christopher de Leon.
Kasama niyang dumalo sa gabi ng parangal, in his honor, ang maybahay niyang si Sandy Andolong, isa ring respetadong aktres sa industriya.
Matapos ang pagpapakita ng interesanteng film clips mula sa mga eksena ng mahahalagang pelikula ng aktor ay ang pormal na paggagawad ng parangal sa Ulirang Artista awardee.
GUY & PIP. Onstage, ang nag-present ng parangal kay Boyet ay ang kanyang kaibigang aktor din na si Tirso Cruz III.
"Ako ang leading man, siya [Boyet] ang nakatuluyan," simula ni Pip, referring to Boyet's first marriage to Nora Aunor with whom Boyet has a son, Kristoffer Ian.
"Nagkasama kami sa pelikulang Mahal Mo, Mahal Ko (1978) ng Regal Films. Magka-triangle kami ng ka-loveteam ko, na nakatuluyan niya ang superstar.
"Pareho naman naming nakapareha nang maraming beses ang kanyang pinakapaboritong leading lady—si Governor Vilma Santos."
Interestingly, sa paggagawad ng parangal kay Boyet bilang Ulirang Artista, ang lady producer nina Tirso, Nora, Vilma, at Boyet sa maraming pelikulang pinagtambalan (Guy & Pip, Vi & Boyet, Guy, Pip & Boyet movies) under Regal Films, ang siya namang recipient ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera—si Mother Lily Monteverde.
GOV. VI'S MESSAGE. Bumati rin through VTR ang favorite leading lady ni Boyet na si Governor Vilma Santos-Recto.
"Boyet, maraming salamat sa pagkakabigay mo ng iyong buong buhay at iyong buong husay sa pelikulang Pilipino," simula ng actress-politician.
"Yes, Boyet, congratulations [for a] well-deserved award!
"Alam ko na pinaghirapan mo nang matagal 'yan. Alam kong buhay mo ang ibinigay mo diyan. At pareho lang tayo...[we] never stop learning.
"Kahit na may prestigious awards tayo, bilang artista, we will never stop learning.
"At the same time, I'd like to remind you, public servant ka na rin ngayon.




0

