"Tuwang-tuwa pa ako kasi ang ganda ng seat ko sa Miley [concert], as in katabi lang namin halos yung stage ni Miley," Kris Bernal recounts the night of the concert.

"Tapos e di ano, tawang-tawa pa ako, nagwawala yung mga tao sa labas, nakikisilip pa ako. Tapos pag ano ko sa sasakyan, nag-text sa akin yung taga-Showbiz Central, nakakalat daw sa daan yung lisensiya ko. Tsinek ko agad yung bag ko, wala na! Wala na yung pera ko, lisensiya ko, tsaka isang credit card ko."

 

Photo: Noel Orsal

Kris Bernal, nanakawan sa Miley Cyrus concert!

"Tuwang-tuwa pa ako kasi ang ganda ng seat ko sa Miley [concert], as in katabi lang namin halos yung stage ni Miley.

"Tapos e di ano, tawang-tawa pa ako, nagwawala yung mga tao sa labas, nakikisilip pa ako. Tapos pag ano ko sa sasakyan, nag-text sa akin yung taga-Showbiz Central, nakakalat daw sa daan yung lisensiya ko. Tsinek ko agad yung bag ko, wala na! Wala na yung pera ko, lisensiya ko, tsaka isang credit card ko.

"Iyak ako nang iyak, wala na akong pera, ganun-ganun," kuwento ni Kris sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kahapon, June 25, Sabado.

Ayon naman sa pahayag ni Jay Perillo, ang rumoured boyfriend ni Kris...

"Kung puwede lang akong bumalik dun para hanapin [yung wallet], kaso wala e, sobrang dami ng tao dun, sobrang dami po talaga, e. Ayun, e sabi ko na lang sa kanya, 'Gusto mo bigyan na lang kita ng pera para hindi ka na sad,'" ang natatawang sinabi pa ng male singer.

On a lighter note, ikinuwento naman nina Kris at Jay ang tungkol sa kantang isinulat ni Jay para sa dalaga.

"Na-touched ako, kasi nung time na yun, nung ginagawa niya yung kantang yun, naisip ko... sakto talaga yung mga lyrics, e. "Kung ano yung nararamdaman niya, ay oo nga, iyon yung pinapakita niya sa akin," says Kris.

"Actually yung dalawang orig [original songs] dun sa album ko, sinulat ko talaga yun para sa kanya. Yung 'Nakatanim' at tsaka 'When I Saw You.' Para po sa kanya yun e," pahayag naman ni Jay.

On her career naman, magsisimula na ang danceserye ni Kris with Mark Herras na Time of My Life.

"Sobrang kinakabahan talaga ako kasi ang kasama ko sina Miss Jean Garcia, Miss Cherie Gil, Mr. Raymond Bagatsing, yung talagang lahat sila ang gagaling. And first time ko pong makatrabaho si Miss Cherie Gil.

"Talagang... alam mo yun, kulang na lang talagang umiyak ako nung nakita ko siya!"   

May bago bang Kris Bernal na mapapanood sa show?

"Siyempre first time nila akong makikitang sasayaw nang hatawan at makikipag-showdown, di ba? Kumusta naman yun!

"At tsaka alam ko naman na-miss din nila yung mga ginawa kong drama noon sa pang-hapon so ngayon sumasayaw ako na nagdadrama, iyon ang dapat nilang abangan!"