"Pag may pagkakamaling nagawa ang anak ko, hindi ko sinasabing tama. Huwag n'yo lang husgahan. Bigyan na lang din siya ng pagkakataon. Tutal, buhay naman 'yan at kami nang bahalang family," says Jaclyn Jose (right) about the pregnancy of her daughter, Andi Eigenmann (left).

 

Photo: William R. Reyes

Kinumpirma ng award-winning actress na si Jaclyn Jose na buntis ang kanyang anak na si Andi Eigenmann.

"I just want to tell everyone that yes, it's true, my daughter's pregnant."

Ito ang pag-amin ni Jaclyn sa exclusive interview sa kanya ni Mario Dumaual na ipinalabas sa TV Patrol ngayong gabi, June 29.

Sinadya ni Mario si Jaclyn sa taping ng Maalaala Mo Kaya kanina sa Antipolo.

Eksaktong 18 weeks and two days na ang dinadala ni Andi.

Sa kabuuan ng panayam sa kanya ay patuloy ang pagtulo ng luha ni Jaclyn.

Aniya, "Hindi madali, pero kailangan kong tanggapin. Kasi mahal ko siya at anak ko siya.

"Wala namang ibang tutulong sa kanya kundi ako at ang kanyang pamilya."

Nakatulong din daw ang pananampalataya ng aktres upang tanggapin ang pangyayaring ito sa kanyang anak.

"Ang una mong pupuntahan, simbahan. Mananalangin ka.

"Ibibigay mo na lang sa Kanya lahat. Sasabihin mo, 'Ama, ikaw na ang bahala, hindi ko kaya 'to. Kung anumang desisyon Mo, tatanggapin ko.'"

FATHER OF ANDI'S CHILD. Ayaw naman nang pag-usapan ni Jaclyn kung sino ang ama ng batang dinadala ni Andi.

Pero aniya, "First boyfriend, wala na sila no'n. Iniwanan siya nung nabuntis siya.

"I don't want to talk about him anymore. Wala akong hinihiling sa kanila, ni ayaw ko silang makita!

"She decided to keep the baby, na naging proud naman ako sa anak ko.