"Loyal po talaga ako sa GMA kasi since po pagkabata ko nandito na ako. Dito na ako lumaki. Dito ko na nadaanan yung proseso ng paghihirap, yun pong hirap at ginhawa. Dito na po ako naka-experience ng ganun," says Renz Valerio.

Photo: Wilson Chua

"Dahil po sa Futbolilits, nakahiligan ko na rin po yung football.

"Dati po kasi ang gusto ko ay badminton, basketball, swimming, mga ganun po."

Nagkaroon din ba sila ng training sa football?

"Meron din po. Nag-training at workshop po kami."

Kumusta namang katrabaho ang kapwa niya child actors sa show?

"Lahat po sila masaya pong kasama at madaling katrabaho," sabi niya.

"Pag sinabi po ni Direk [Mike Tuviera], 'Uy, dito kayo,' sumusunod naman po kami.

"Tapos hindi po sila mahirap kausap at madali pong bigyan ng instructions."

WORKING WITH RAYMART AGAIN. Masaya rin si Renz na nakatrabaho ulit niya si Raymart Santiago sa Futbolilits. Naging tatay kasi niya ang aktor sa Bantatay noon.

"Masaya po ako at nakasama ko ulit si Tito Raymart.

"Kasi meron na po akong isang kakilala noong simula pa lang ng taping.

"At saka si Lenlen din po kasi kasama rin namin siya sa Bantatay dati.

"Kaya parang madali na pong magtrabaho pag may kakilala ka agad."

Hindi sila mag-tatay ni Raymart sa Futbolilits dahil coach ng team nila ang role ng aktor bilang si Frankie, isang magaling at papasikat nang football player na mapapariwara dahil sa pagkamatay ng asawa't anak sa tsunami disaster. Pero muli nga itong nagbabalik para maging coach ng Futbolilits team.

"Coach po namin si Tito Raymart kaya lagi rin po kaming magkasama.