Bayani Agbayani jumps to TV5 after working on ABS-CBN and GMA-7

Rommel Gonzales
Saturday, July 02, 2011 @ 02:00AM  |  21145 views

 

"Naniniwala kasi ako na marami pang tao ang puwede kong mapasaya, na kung wala akong ginagawa, sayang naman, di ba? At nangangarap din ako na makita ako ng mga anak ko na dire-diretsong nagtatrabaho sa telebisyon," says Bayani Agbayani.

Photo By: Sany Chua













Pagkatapos niyang umalis ng ABS-CBN ay lumipat ang comedian na si Bayani Agbayani sa GMA-7. Pero ngayon ay mapapanood na siya sa TV5.

Kasama si Bayani sa kauna-unahang fantaserye ng Kapatid network, ang Bangis.

Kaya naman sa presscon ng nasabing palabas noong June 28 sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City ay tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bayani kung exclusive na siya sa TV5.

"A, sa ngayon, hindi pa, pero hopefully... Kasi may mga projects pa na dinadasal ako, at sana matuloy, at sana maging exclusive dahil willing naman ako.

"Kasi ako naman, pag nasa 5 na ako, hindi na ako gagawa kahit saan. Ganun ako, e.

"Di ba, nung nasa Dos ako, sa Dos lang ako gumagawa?

"Nung nasa Siete ako, sa Siete lang ako napapanood.

"So, ngayong nasa Singko ako, sa 5 lang ako gagawa," saad niya.

EXCLUSIVITY. If ever gawin siyang exclusive ng TV5, ilang years ang gusto niya o hihilingin niyang kontrata?

"Depende kay Noel Ferrer, yung manager ko, depende sa pag-uusap nila ng 5," sagot ni Bayani.

Ganoon niya kadaling naiwan ang GMA-7?

"Hindi naman," sambit niya.

"Pero naniniwala kasi ako na marami pang tao ang puwede kong mapasaya, na kung wala akong ginagawa, sayang naman, di ba?

"At nangangarap din ako na makita ako ng mga anak ko na dire-diretsong nagtatrabaho sa telebisyon.

"Kasi minsan, nagtatanong sila, 'Pa, bakit wala ka na, bakit hindi ka na lumalabas ng bahay?'

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

23 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name