"Mas okay na rin sa akin na My House Husband ang pumasok kasi mas magaan. Mas gusto ko rin po ngayong taong ito na ang mga gagawin kong project ay mga ganito," says Judy Ann Santos about her movie for the Metro Manila Film Festival 2011 that will be directed by movie director Joey Reyes. Her husband Ryan Agoncillo will join her.

 

Judy Ann was supposed to star with Coco Martin in another movie Love Will Lead You Back. But it was not chosen as an official entry.

Photo: Noel Orsal

Ilang beses na ring pinag-usapan ang umano'y balak na paglipat ng multi-awarded actress na si Judy Ann Santos-Agoncillo. Subalit lagi naman itong pinabubulaanan ng aktres.

Muli na naman siyang natanong tungkol dito kahapon, July 2, sa press conference ng bagong endorsement nila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo at anak na si Yohan, ang Purefood Tender Juicy Hotdog.

Matagal-tagal na rin kasing hindi nakalabas sa telebisyon si Judy Ann dahil sa kanyang pagbubuntis sa unang anak nila ni Ryan na si Lucho.

May pagkakataon din na lumabas si Judy Ann bilang guest sa TV5, isa sa mga kakumpetisyon ng mother network niya na ABS-CBN.

Pero natawa na lamang si Judy Ann sa usap-usapang ito. Pabiro pa niyang sinabi, "Ako? Lilipat? Wow! Ang in-demand ko naman!"

Pero paglilinaw niya, "Wala. Wala pa namang nagtatanong. Ewan ko lang kay Tito Alfie [Lorenzo, Juday's manager].

"Sa akin po ngayon, mayroon pa akong existing contract with ABS-CBN and I'm doing a show with them.

"Hindi ko po alam kung kalian matatapos ang contract ko sa kanila.

"But, sa ngayon naman, maganda ang relationship ko with ABS-CBN.

"Although, minsan may nagaganap na pagtatampo, may nagaganap na misunderstanding.

"Pero wala naman nadadala sa magandang usapan. Kung anu't ano man ang mangyari, lahat ito ay trabaho lang."

Pagkatapos nito ay biniro siya ng kanyang asawa na nasa tabi niya lamang habang nag-iinterbyu.

"Siguro may kumakausap sa 'yo na taga-TV5, ano?" pabirong tanong ni Ryan, ang host ng talent search program ng TV5 na Talentadong Pinoy.

Sabi ni Judy Ann, na huling nakita sa dating telerye ng ABS-CBN na Habang May Buhay, hindi naman nila pinakikialaman ni Ryan ang showbiz career ng bawat isa.

"Alam mo, in fairness sa aming mag-asawa, kahit mag-asawa kami, hindi namin pina-uusapan ang trabaho kahit pagdating sa bahay.