Noong Martes, July 5, ay panauhin si Luis Manzano, kasama si Billy Crawford, sa bagong morning show ni Kris Aquino sa ABS-CBN na Kris TV.
Ito ay upang i-promote ang Season 3 ng Pilipinas Got Talent ng Kapamilya network na magsisimula na ngayong weekend. Sina Luis at Billy ang hosts ng programa, samantalang si Kris naman ang isa sa mga hurado.
Sa live na interview ni Kris sa dalawa, naging mas interesante ang topic kay Luis. Kabilang na rito ang tunay na "status" na namamagitan sa kanila ni Jennylyn Mercado, na homegrown talent ng GMA-7.
Sa bandang unahan ng panayam, napaamin ni Kris si Luis na si Jennylyn ang babaeng "nagpapangiti sa umaga at gabi" ng panganay na anak nina Edu Manzano at Batangas Governor Vilma Santos-Recto.
"Parang magaang ang aura mo today?" pansin ni Kris kay Luis, na natawa lang.
"So, kayo, i-label natin ha, dating [ba kayo ni Jennylyn]?"
"Yes!" pag-amin ni Luis on live television.
Tinanong ni Kris si Luis kung exclusively dating ba si Luis and Jennylyn.
"Hindi pa namin napapag-usapan na... O, walang... Pero kumbaga, medyo it's given na rin, nando'n na yun."
Napa-"Oh my gosh si Kris. Sa girls daw kasi, mahirap malaman, as in nakakahiyang magtanong ang girl sa guy na "Are we dating?"
Sagot ni Luis, "Siguro, some people like to talk about it, some people like to verbalize [it].
"Minsan kasi, there's understanding na rin naman talaga na yun na 'yon, exclusivity...
"Siguro, mas kailangan pang pag-usapan kung kayo na o hindi.
"Pero kumbaga, yung in terms of exact phase na you're exclusively dating, entertaining others, or may exclusivity, puwede mong sabihin... Kung minsan, puwede mo ring maramdaman na lang."
PHONE-PATCH INTERVIEW FROM GOV. VI. Hanggang sa pumasok na sa ere ang live phone-patch interview ng show kay Governor Vilma Santos.




0

