"My birthday wish is for us to be always healthy. Yun ang natutunan ko kasi ang katawan natin ang pinakaimportante. Kahit na maraming-marami kang pera, marami kang trabaho, pero di ka naman makatayo, paano mo mai-enjoy?" says Eugene Domingo about turning 40 on July 23.

Photo: Noel Orsal

Ayon sa award-winning actress na si Eugene Domingo, ang Cinemalaya entry na Ang Babae sa Septic Tank ang pinakamahirap na pelikulang ginawa niya so far.

Sa three-in-one presscon para sa mga Cinemalaya entries na Amok, Bisperas, at Ang Babae sa Septic Tank noong July 1, ipinahayag ni Eugene sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na dahil sa hirap na dinanas niya while doing this Marlon Rivera film from the script of Chris Martinez, pag may nagyaya sa kanyang magpakasal ay tatanggapin niya ang offer.

"This is most definitely one of my most difficult projects," sabi niya.

"In fact, for example, after maipalabas ito, kung may mag-propose sa akin na papakasalan niya ako at tumigil na ako sa pag-aartista, after Ang Babae sa Septic Tank, I will say yes!

"Pero after five years babalik ako, ha?" hirit ni Uge, sabay tawa.

"I am saying this because I am so blessed to be given this role, playing myself at a larger scale, bigger than life.

"Ang Babae sa Septic Tank is very, very important film. It talks about independent filmmaking at this point.

"I think ang makakapanood ng Babae sa Septic Tank, especially yung mga estudyante ng film or anybody for that matter who loves films, tagahanga ng pelikulang Pilipino o ng paggawa ng pelikula, it will be very significant film, for me.

"Nagpapasalamat ako sa lahat. Napanood ko na kasi... Lahat ng mapapanood ninyo sa pelikula, o napanood ninyo na at this point, lahat 'yon naging trabaho ko.

"So with all the experiences sa TV, sa pelikula, sa stage, which na-apply ko.

"Napakahusay nina Chris Martinez [writer] at Marlon Rivera [director] na napagsama-sama nila iyon sa isang pelikula.

"That's why I consider this film very significant and remarkable.," pahayag pa ng aktres.

After Ang Babae sa Septic Tank, may naiisip na ba siyang project na magle-level up sa kalidad nito?

"Siguro if I would learn a new language and if I would be a part of an international film...