Hindi dumating ang award-winning actress na si Maricel Soriano sa itinakdang pulong sana kasama ang dalawang dating kasambahay sa Barangay Poblacion sa Makati kaninang hapon, Hulyo 6.
Mahigit isang oras din ang paghihintay ng dating mga kasambahay ni Maricel na sina May Cachuela, 22, at Camille Acujedo, 18, sa tanggapan ni Barangay Chairman Benhur Cruz.
Kabilang din sa paghihintay ang mga miyembro ng media, kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Pagsapit ng alas-singko ng hapon, lumabas ang dalawang dalaga, na hinabol naman ng mga reporter ng iba't ibang media outfit. Subalit sinabi ni May na magbibigay sila ng pahayag sa tanggapan ng radio commentator na si Mon Tulfo.
Matatandaan na unang humingi ng tulong ang ate ni May sa programa ni Mon na Isumbong Mo Kay Tulfo noong June 30. (CLICK HERE to read related article)
Dito ay inakusahan nina May at Camille ang Diamond Star ng "physical and verbal abuse."
Bukod dito, may lumabas rin na ulat na nagrereklamo ang dalawa sa hindi umano pagpapasahod sa kanila ng aktres, na nakatira sa Rockwell Drive, Makati City.
Sa panayam kanina kina May at Camille, naging consistent naman ang dalawa sa mga nauna na nilang naikuwento sa media. (CLICK HERE to read related article)
Nabanggit din nila na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikipag-ugnayan sa kanila si Maricel.
Minsan daw tumawag sa kanila ang personal assistant ni Maricel at ang nagpasok sa kanila sa aktres na si Inday Castillo. Pinakiusapan umano sila na baka maaaring pag-usapan na lamang ang isyu. Pagkatapos nito ay hindi na sila muling nagkausap.
"HINDI PERA ANG PINAG-UUSAPAN DITO." Nang pumutok ang balita, maraming haka-haka na baka kaya lumabas sina May at Camille para makakuha lamang ng pera mula sa aktres.
Subalit pinabulaanan nila ito.
Sabi ni May, ang nagsabing sinipa ni Maricel, "Masakit po kasi hindi naman po pera ang pinag-uusapan dito, e, kundi 'yong kalagayan ko.
"At saka lagi kong naiisip ['yong nangyari]. Lagi kong napapanaginipan ang mga pinagsasalita niya at mga pinaggagagawa niya."
Aminado rin ang dalawa na nakakaramdam sila ngayon ng galit laban sa aktres.
Sabi ni May, "Kasi, minaliit niya ang pagkatao namin.




0

