Coco Martin was supposed to play one of the lead roles in Brillante Mendoza's Bitag, but he had to back out since he was about to start taping for his teleserye on ABS-CBN, Minsan Lang Kita Iibigin.

Photo: Sany Chua

Sa maraming magagandang prospects ngayon sa kanyang showbiz career, tila walang pagsidlan ang kaligayahang nadarama ng aktor at matinee idol na si Coco Martin. 

Tulad nang huli siyang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), excited si Coco sa major projects na inihahanda para sa kanya ngayon ng ABS-CBN at Star Cinema, simula sa isang pelikulang pagsasamahan nila ni Judy Ann Santos which is slated for early 2012.

After which, ang posibilidad na makasama rin ni Coco ang mga tulad nina Star for All Seasons Gov. Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta; or, who knows, ang Superstar na si Nora Aunor?

"Naku, sobrang blessing na po yun pag nangyari, pero nagpapasalamat ako nang husto na may magagandang plano, gaya nga ng movie namin ni Ate Juday," saad ni Coco.

Tapos, tinanong niya ang PEP: "Si Ate Guy, kelan po ba siya uuwi?"

Last year, isa si Coco sa mga bumati sa Superstar on her birthday sa isang online post, at maraming fans ang totoong natuwa sa young actor, base sa naging mahabang comment thread. 

CAMEO ROLE IN BITAG. Ibinalita naman ni Coco sa PEP ang tungkol sa naging partisipasyon niya sa pelikulang Bitag (formerly titled Prey) ni Brillante Mendoza.

Ang indie film ay sinimulan at natapos i-shoot noong Enero 2011; isang malaking indie project ang Bitag, topbilled by award-winning French actress Isabelle Hupert.

"'Yun po, dapat isa ako sa may lead roles sa movie, pero nung isu-shoot na ni Direk Dante [Mendoza], nagsimula na rin akong mag-taping [sa Minsan Lang Kita Iibigin]," sabi ni Coco.

Hindi naman daw sa tumalikod siya sa natanguang commitment with his director-mentor. Nais ni Coco na linawin din ang dahilan para maunawaan ng mga tagasubaybay niya.

"Kasi po, kung ginawa ko yung pelikula [Bitag] at mawawala ako ng four weeks sa teleserye, marami pong mawawalan ng trabaho dahil mahihinto ang tapings," paliwanag ni Coco.  

"Kawawa din naman yung mga nagtatrabaho dito [sa Minsan Lang Kita Iibigin].

"Naintindihan naman ni Direk Dante ang sitwasyon. Sabi niya, makakapag-shoot din naman daw sila kahit hindi ako ang bida, pero yung mga taong mawawalan ng kita sa teleserye, mas kawawa sila."

Instead, Coco opted for a cameo role in Brillante Mendoza's latest indie film.

Ang Bitag ay tungkol sa mga kaso ng kidnapping sa Mindanao na sangkot ang grupong Abu Sayyaf.