"Hindi naman nawawala yung ganung chance, e. Kasi kumbaga, ang tagal din namin, e, di ba? Minahal mo na yung tao, na yung pagmamahal mo, pwedeng nandyan pa din, hindi mo lang pinapansin," says Jason Abalos.

Photo: Noel Orsal

Bukod sa bagong TV soap sa ABS-CBN, ang Reputasyon, meron ding Cinemalaya entry si Jason Abalos this year. Ito ay ang Rakenrol, kung saan makakasama niya sina Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Ketchup Eusebio, at Diether Ocampo.

Three years in the making daw ang pelikula na ito. Bukod pa dun, nauna itong ipalabas sa New York bago ito mapapanood sa Pilipinas.

Ang Rakenrol ay tungkol sa dalawang magkababata, sina Irene (Glaiza de Castro) at Odie (Jason Abalos), na bumuo ng isang banda kasama sina Mo (Ketchup Eusebio) at Junfour (Alwyn Uytingco).

Pero nang makilala na ni Irene ang rock star na si Jacci Rocha (Diether Ocampo), ang pinaghirapan nilang mabuo na banda ay nanganganib na mabuwag.

ON INDIE FILMS. Hindi ito ang unang indie film na ginawa ni Jason. Uuna siyang napanood sa Endo (2007) kung saan nakatambal niya si Ina Feleo.

Nagwagi ng Best Actor si Jason, at Best Actress naman si Ina.

Ngayon taon ba ay nag-e-expect uli siya na nakatanggap ng award?

"Hindi naman," sabi ni Jason.

"Kasi hindi namin inaasahan yun pag gumawa kami ng indie.

"Gusto namin mag-enjoy, e. Kumbaga, ginawa namin yung Endo, nabasa ko yung script, ang simple-simple lang.

"Sabi ko, parang mag-e-enjoy ako nito. Tapos, habang ginagawa namin, ang dami kong natututunan.

"Ang dami nilang sinasabi na bawat linya pa lang, may ibang [ibig] sabihin, may ibang kahulugan."

Bagamat gumagawa siya ng indie film, hindi naman daw ibig sabihin nito ay mas gusto niya ito kaysa sa mainstream films.

"Nung una, indie," pag-amin niya.

"Pero eventually puro mainstream na din ako, parehas na.