"Hindi naman nawawala yung ganung chance, e. Kasi kumbaga, ang tagal din namin, e, di ba? Minahal mo na yung tao, na yung pagmamahal mo, pwedeng nandyan pa din, hindi mo lang pinapansin," says Jason Abalos.

Photo: Noel Orsal

"Siguro kasi ang hirap din pasukan ng panibago, kasi almost three years din kami, e.

"Mag-iisip ka din, 'Bakit ba? What went wrong? Bakit kayo naghiwalay?'

"Iisipin mo, pag ba may panibago ka na ngayon, 'Handa ka na ba?'"

Dagdag pa ni Jason, hindi pa rin nawawala ang pag-asa niyang magkakabalikan sila ni Bella.

"Hindi naman nawawala yung ganun chance, e," nangingiting sabi niya.

"Kasi kumbaga, ang tagal din namin, e, di ba?

"Minahal mo na yung tao, na yung pagmamahal mo, puwedeng nandiyan pa din, hindi mo lang pinapansin."

Ang relasyon niya daw kay Bela ang longest relationship niya.

Masaya rin si Jason na tuloy-tuloy pa rin ang communication nila ng dating nobya, lalo na sa pamilya nito.

Pero katulad noon, hindi pa din sinasabi ng Kapamilya actor ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

"Ano nga ba?" pabirong sagot niya.

"Personal na bagay," matipid na pahabol na sagot ni Jason.

Bagamat hindi niya masabi ang talagang dahilan ng kanilang hiwalayan, itinanggi niyang ang paglipat ng network ng dalaga ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Katunayan nga daw ay masayang-masaya siya sa nagiging takbo ng career ni Bela.

"Wala naman issue dun," mariing sabi ni Jason.