Korina Sanchez dismisses separation rumor with DOTC Secretary Mar Roxas

Rose Garcia
Tuesday, July 12, 2011 @ 02:46PM  |  120 views

 

"Sabi ko nga, talagang itong mga tsismosang inggiterang ito, sabi kong ganyan, lalo na noong hindi kami lumalabas, hiwalay na raw kami. Noong makita naman kami, nagpapanggap naman daw kami. Sabi ko, grabe na ito, hindi na tsismis ito, kampanya na ito ng paninira! Alam na alam mo, e," says Korina Sanchez about rumor that she and husband Mar Roxas have separated.

Photo By: Noel Orsal













Halatang nagulat si Korina Sanchez sa pambungad na tanong agad sa kanya ng The Buzz tungkol sa intriga sa marriage life nila ni DOTC Secretary Mar Roxas.

"Oh no, hanggang ngayon?" natatawang reaksiyon niya sa set ng TV Patrol.

"Sabi ko nga, talagang itong mga tsismosang inggiterang ito, sabi kong ganyan, lalo na noong hindi kami lumalabas, hiwalay na raw kami.

"Noong makita naman kami, nagpapanggap naman daw kami.

"Sabi ko, grabe na ito, hindi na tsismis ito, kampanya na ito ng paninira! Alam na alam mo, e."

Nandiyang kesyo napapabayaan na raw ni Korina ang asawa dahil sa pagiging sobrang busy nitong muli sa kanyang career.

Sabi naman ni Korina, "Hindi totoo yun. Nag-aalagaan kami nang mabuting-mabuti.

"Hoy, ang guwapo ni Mar ngayon, ha! Care of," sabay turo sa kanyang sarili.

Dagdag pa niya, "Nagyo-yoga kami pareho. We diet together. We talk about a lot of things together. 

"E, kasi, nagbakasyon siya nang matagal before going back to government. So, nag-process kami together."

Diumano'y may mga babae pa raw na involved?

"Natatawa nga ako kay Mar. Sabi ko, 'Hoy, pinag-uusapan ka rito na hiwalay na raw tayo! Umuwi ka na nga galing New York. Akala nila hiwalay na talaga tayo.'

"Sabi niya, 'Talaga?'

"'Oo, may third party raw.'

"Sabi niya, 'Talaga? Sino yung lalaki?" natatawang kuwento ng news anchor.

1  2  3  Next »

Related Articles

26 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name