Nina on how her former PA would collect money from her fans: "Di ko alam na itong PA ko, siya pala ang kumukuha ng bayad sa entrance. Sasabihin niya, 'Di pala kayo nakasulat sa guests list, so magbabayad kayo.'"

Photo: Noel Orsal

Isa nang recording artist ng Universal Records si Nina.

From Warner Music, nagdesisyon ang Soul Siren na subukan naman kung paano ang pagma-manage ng Universal when it comes to her singing career.  

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Nina a few days ago sa Universal Records office regarding her transfer.  

Naging maayos ba ang paghihiwalay nila ng inalisan niyang  recording company?   

"Nagpaalam ako nang maayos sa Warner. Ayoko namang magkaroon ng masamang tinapay sa ibang tao kasi inaalagaan din naman ako dun.

"Actually, kahit naman maraming singers na sikat sa Universal, hindi naman nila pinapakita na mas sikat si Ganito. Mas inaalagaan namin ito, or mas priority namin si Ganitong artist.  

"Mayroon silang sariling panahon para pagtuunan ka ng atensiyon. So, hindi ka puwedeng ma-insecure or maiinggit kung kaninong artist.

"Pag gagawa ka ng isang album, 'Ito ang time na allotted namin sa iyo.'

"Kumbaga, pag may album ka, makikita mo na di ka talaga pababayaan sa promos para ma-promote mo talaga ang album mo.

"By end of July, lalabas na yung album ko. Right now, nagtatapos na lang kami ng tatlong kanta."

Masaya din si Nina sa mainit na pagtanggap sa kanya sa Universal Records.

"Actually, kahit bago ako sa kanila, I didn't feel like a newcomer.  Na-welcome nila ako dito nang todo.

"Inaalagaan nila ako sa recording at pati sa ibang shows pa na through Universal. I can say na hindi sila nagpabaya."

DEMANDING. Marami ang nakaka-miss kay Nina sa ASAP Rocks bilang parte ng grupong Sessionistas.

Pero sa kabila ng pansamanatalang pagkawala ng Soul Siren sa nasabing grupo ay may mga isyung lumabas. Kesyo may attitude problem daw siya. Nagpapalipat daw ng dressing room ang Soul Siren dahil ayaw niyang may kasama.