Gagampanan ni AJ Muhlach  (above) ang role na Mark, originally portrayed in P.S. I Love You by Gabby Concepcion. His co-star Nadine Lustre ang gaganap sa role na Kristine first played by Sharon Cuneta.

 

 

Masayang-masaya si AJ Muhlach dahil sa kanya ibinigay ng TV5 at Viva Television ang starring role sa TV remake ng Sharon Cuneta-Gabby Concepcion movie na P.S. I Love You.     

Ang magiging ka-partner rito ni AJ sa naturang series ay ang ka-loveteam niya sa series na Bagets: Just Got Lucky na si Nadine Lustre.     

Natuwa ang young actor nang sabihan na magkakaroon na siya ng sarili niyang drama series. Kaya malaking paghamon na naman ito para sa nakababatang kapatid ni Aga Muhlach.     

"Hindi ko po inaasahan na magkakaroon ulit ako ng isa pang drama show. May season two na kasi ang Bagets, kaya ang alam ko doon muna ako mag-concentrate.     

"Pero nang sabihin kami ni Nadine na kami ang magbibida sa P.S. I Love You, pareho kaming natuwa dahil pinagkatiwala nila sa amin ang project na iyon," ani AJ.

Ang nasabing pelikula ang second team-up ni Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa big screen after gawin nila ang big hit na Dear Heart under Singing Silangan Films noong 1981.

Ang P.S. I Love You ang first movie produced by Viva when it went into film production in 1981.

Gagampanan ni AJ ang role na Mark, originally portrayed in the movie by Gabby Concepcion. Si Nadine naman ang gaganap sa role na Kristine first played by Sharon Cuneta.

Dahil hindi pa pinapanganak si AJ noong pinalabas ang P.S. I Love You sa mga sinehan, nagtanong  ito tungkol sa naturang pelikula at marami ang nagsabi na isa ito sa pinakapaboritong Sharon-Gabby movies.     

"Tinanong ko si daddy (Cheng Muhlach) kung maganda ba yung P.S. I Love You. Oo raw at kumita raw iyon noong pinalabas sa mga sinehan. Sikat na sikat daw yung loveteam nila Sharon Cuneta at Gabby Concepcion noon.     

"Ipapanood sa amin ni Nadine yung movie kapag mag-start na ng taping. Gusto kasi ng Viva at TV5 na maging familiar kami sa kuwento at characters ng original movie. Marami raw kasi ang may alam sa movie na iyon kaya mataas ang expectations sa amin ni Nadine.     

"Kaya mas nakakakaba dahil sa amin pinagkatiwala yung project. Pangako naman namin ni Nadine na we will do our best para masabi nila na deserving kami sa project na 'yon," ang sabi ni AJ.

Since matagal pa naman daw bago magsimula ang taping sa bagong series, uunahin muna ni AJ ang taping para sa second season ng Bagets at every Saturday naman ay performer siya sa Hey, It's Saberdey.     

Maganda na raw ang ratings ng Bagets tuwing Sunday at maganda ang feedback mula sa mga fans nila. May mga fans raw sila na parating pumupunta sa set na galing pang Antipolo at Cavite.     

"Dahil po sa mga sumusuporta sa amin kaya nabigyan na kami ng season two. Natutuwa kami sa mga fans na dumadalaw sa set. Kami naman, pinakikiharapan namin sila hanggang sa makakaya namin.