Richard Gutierrez will leave on Monday, July 25, for Los Angeles, California, for a much-needed vacation and bonding with friends and family — he is traveling with parents Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

 

Photo: Noel Orsal

Nabago ang schedule ng alis ni Richard Gutierrez for Los Angeles, California. Sa halip na ngayong gabi evening, July 24, ang kanyang flight, sa Monday morning na, July 25, ang alis niya with his parents, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama.

Two-week-vacation at bonding sa kanyang family at friends sa America ang gagawin ng bida ng Captain Barbell.

Medyo pumayat nga si Richard nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment writers sa last taping day ng Captain Barbell, noong July 22, sa may Esplanade sa SM Mall of Asia.

Mahirap ba ang mga eksenang ginawa niya bago natapos ang taping?

"Yes, at lalong mahirap iyong mga eksenang masyadong mainit ang location namin at maraming tao. Mainit kasi ang costume ko," sagot ni Richard. 

"Isa na rito iyong death scene ni Rhian [Ramos] na ang init-init ng araw at nasa gitna kami ng Rizal Park. Ganoon din iyong mga fight scenes at emotional scenes na nasa initan kami. 

"But lahat ng hirap ay worth it naman kaya nagpapasalamat kami dahil sinubaybayan ang action series namin ng mga manonood gabi-gabi."

May mami-miss ba siya ngayong tapos na ang taping ng Captain Barbell?

"Marami akong mami-miss, ang nabuong friendship at bonding namin sa set, dahil lagi kaming magkakasama sa holding area tuwing may taping. 

"It's an honor na nakatrabaho ko si Tito Boyet [Christopher de Leon], first time sa TV sina Lovi [Poe], Solenn [Heussaff], Akihiro [Sato], at iba pang members ng cast, sina TJ [Trinidad], Isabel [Oli], Michelle [Madrigal], Bea [Binene], Jhake [Vargas], Ellen [Adarna] at si Frencheska [Farr]. 

"At si Jillian [Ward] na napaka-bibo at naging parang little sister ko na.

"But, wala na rin ang tensiyon, lalo na kapag may mga eksena kaming kukunan na dapat ipalabas na kinagabihan!" natatawang wika ni Richard. 

"Hindi kasi maiwasang maghabol ng eksena lalo na kung may mga request ang mga viewers na eksenang gusto nilang mapanood. 

"Ang maganda, very cooperative naman ang lahat kahit na ang aga-aga ng call time tapos kinabukasan na matatapos. That's part ng aming work.