Bianca Manalo on current relationship with John Prats: "Wala kaming natatapakan, walang nasasaktan, yun ang mahalaga."

Melba Llanera
Monday, July 25, 2011 @ 06:59PM  |  78024 views

 

"Bilang babae may mararamdaman ka, di ba, ganun naman yun. Kung kaibigan, kaibigan, pero alam mong may kilig-kilig. Nag-usap naman kami [ni John], hindi naman daw niya kailangang magsalita, ipapakita na lang daw niya," says Bianca Manalo about John Prats.

Photo By: Noel Orsal / Allan Sancon













Nagsimula sa tuksuhan ng mga kasamahan nila sa Happy Yipee Yehey!, marami ang nakakapansin na mukhang nade-develop na sina Bianca Manalo at John Prats sa isa't isa.

Marami ang nagulat nang maghalikan, kahit nasa magkaibang screen, ang dalawa sa episode ng noontime show ng ABS-CBN last Thursday, July 21. Patunay lamang daw ito na mukhang may namumuo nang espesyal na relasyon sa dalawa.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa beauty queen turned TV host-actress, kapansin-pansin ang mga pahayag ni Bianca na bukas na talaga siya ngayon sa posibilidad na maaaring mauwi sa totohanan ang panunukso sa kanila ni John ng mga co-host nila sa Happy Yipee Yehey!.

"Masaya kami, nag-e-enjoy kami sa company ng bawat isa," sabi ni Bianca.

"Dati naman magkaibigan na kami ni John, madalas kaming nagkukuwentuhan as a group—kami nina Mariel [Rodriguez], nila Matteo [Guidicelli]...

"Hindi naman na dalawa lang kami na nagkukuwentuhan nang masinsinan.  

"Yung mga problema ko, yung mga problema namin sa buhay, alam nina Mariel 'yan, nila Matteo.  

"Siguro ngayon lang lumalalim ang pagsasama naming lahat kasi nagtatagal yung show, and ngayon namin nakikilala ang bawat isa."

Dagdag pa niya, "Basta okay kami ni John.  

"Siyempre yung asaran namin sa 'Ikaw ang Bida,' sa dulo nun, after nun, nagkakatanungan kami, 'O, ano ang asaran na 'yan?' Ganun lang po.

"Group kami, lagi kaming group. Kunwari, minsan nagkataon na lumalabas kami ng kaibigan ko, lumabas sila ni Angelica [Panganiban], since kilala ko naman si Angel, so nagsama-sama kami, hindi yung kaming dalawa lang. "

Pero okay lang ba sa kanyang lumabas na sila lang dalawa ni John?

"Kung yayayain niya na kaming dalawa lang, siguro papayag ako.

"Puwede naman kasi wala namang mali," sagot ng dating Bb. Pilipinas-Universe.

THE ISSUE. Aminado naman si Bianca na nakatulong nang malaki ang issue na pinagdaanan nila ni John para higit silang mapalapit sa isa't isa. Ang isyu ay ang pagkakadawit ng pangalan ni Bianca sa breakup noon nina John at Rachelle Ann Go.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

90 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name