"Siya may sabi sa 'kin na ano, kumbaga I didn't have to force her. One time she just called me na, ayun, 'Gawin nating Garcia [family name ni AJ],'" says Patrick on how Jennylyn suggested son AJ should use his surname.

Photo: Paulo Fernandez

Isa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bumisita sa first taping day ng Iglot na pinakabagong fantasy series ng GMA-7 sa barangay Lacquois, Arayat, Pampanga kahapon, July 25.

Kasama si Patrick Garcia sa cast na napakahalaga raw ang role ayon sa co-star niyang si Jolina Magdangal na una naming nakausap. Included din sa cast ng Iglot sina Claudine Barretto, Marvin Agustin, Luis Alandy, Pauleen Luna at ipinakikilala ang batang si Milkach Wynne Nacion.

Patapos na ang pakikipag-usap naming with Claudine when Patrick came in sa tent para ang binatang ama naman ang aming interview-hin. Naupo ito sa tabi ni Claudine at shoot na agad ng first question tungkol kay Jennylyn Mercado at sa anak nilang si AJ ang agad kinumusta .

DADDY'S BOY. Ayon kay Patrick ay pumapasok na sa isang school for toddlers ang anak nila ni Jennylyn.

"Minsan, hatid sundo [sa school]. Minsan, ako yung hatid, or ako yung susundo.  Basta pag wala akong akong ginagawa, everyday binibisita ko yung anak ko," masayang kuwento ni Patrick.

"Kasi, yun yung most precious ano, e, [time]. Yung bata pa sila. Pag lumaki na sila, you'll never get to experience the same things na."

Marami ang nagsasabi na kamukhang-kamukha niya si AJ.

"Siyempre, daddy's boy yun, e. Daddy's boy," pagmamalaki ni Patrick.

Nagsasalita na rin daw si AJ ngayon. Kung matatandaan ay worried na worried daw kasi noon si Jennylyn dahil magtu-two years old na ang bata, di pa nagsasalita.

"Oo nagsasalita na. Oo, noon worried kami. Pero, ngayon nagsasalita na.

"Parang, 'wow'. Hindi ko kasi marinig yung boses niya dati, e. Now when I hear his voice, parang [heaven].  Yun.

"Pero gano'n talaga yung mga boys matagal [bago matutong magsalita]. Yung akin madaldal lang talaga. Nagmana kay Kuya Randy (Santiago)," natatawang sabat ni Claudine who was seated beside Patrick during our interview.

"Ibang [baby] boys talaga matagal [matutong magsalita]," patuloy ni Claudine.

Patrick makes it a point nga raw na laging kausapin ang anak na si AJ para makatulong sa pagsasalita ng bata.

"Kaya ako madaldal talaga pag kasama ko yung anak ko. Kaya kahit di niya maintindihan sige [daladal pa rin ako].