"When I get into the work, I get into the zone. And whatever stimuli affects my performance, or whenever I get around in the reality of my world, that's how I work! And I got carried away!" says Cherie Gil about slapping Jean Garcia in one of their scenes even if it's not part of the script.

Photo: Noel Orsal

"Bitch" ang description ni Cherie Gil sa role niya sa danserye ng GMA-7 na Time of My Life.

Aminado rin siyang nadala siya sa role niya sa danserye, na magsisimula na sa August 1, kaya naman nasampal niya ang kanyang co-star na si Jean Garcia sa isang eksena kahit wala sa script na gawin niya 'yon.

Kumalat ang pangyayari at aware si Cherie tungkol doon.

Pero ayon sa kanya, nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng Time of My Life, sa Studio 6 ng GMA Network kagabi, July 26, "That should not be a cause of intrigue. I'm an actor. She's an actor.

"I play a bad guy and she's expected na sasampalin ko siya sa eksena.

"And you know, it's part of work. She's a pro, I'm a pro.

"There's no way na hindi ko siya sasampalin. Hindi tama 'yon.

"But it's not like I'm having fun slapping people. It's not easy to play the bitch."

Pahayag pa ni Cherie, kapag kontrabida ang role niya, nanginginig ang buong katawan niya.

"Kaya naman it should not be the cause of intrigue. And we're adults.

"We have different working style that obviously, you know, learn along the way. First time kaming magkakatrabaho.

"So, kung anuman ang mga issues na whatever we find, you know, discomforting or whatever distraction, it's so easy for us to tell each other," paliwanag pa ng veteran actress.

Kapag bad ang character niya, nadi-drain daw si Cherie at kapag umuuwi ng bahay, mas pinipili niyang huwag nang magsalita pa.

"It's really dark and I haven't played this part for a long time. Many, many years already.