"Well, for us, no comparison," says Bela Padilla regarding the issue that pits her against cousin Kylie Padilla.

 

Photo: Noel Orsal

Isa si Bela Padilla sa mga nakasama sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine para sa taong ito.

At sa kanyang gayak kanina, July 28, sa launch ng nasabing special issue sa Crowne Plaza Hotel, talaga namang lilingunin ang beauty ng 20-year-old Kapuso.

Tuwa at "thank you" ang reaksiyon ng dalaga  sa pagkakapili niya bilang isa sa mga Breakthrough Beauties.

Sa panayam niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I'm very happy kasi, I feel different when you are being admired. So, at least, di ba, may admiration."

ON KYLIE. Isa sa mga pingakakaabalahan niya ngayon ay ang afternoon drama series ng GMA-7 na Sisid, kung saan kasama niya sina Jackie Rice, JC Tiuseco, at Dominic Roco.

Dito'y kontrabida ang kanyang role, na noong una ay nag-alangan siyang tanggapin dahil baka mahirapan siyang ganapan ito. (CLICK HERE for related article)

But so far, maganda naman ang feedback ng mga tao sa kanyang performance, at lubos niya itong ikinatutuwa.

Nasa dugo naman ni Bela ang pag-arte. Isa sa kanyang mga tiyuhin ay ang action star na si Robin Padilla, na ayon sa kanya ay nakatulong din sa kanyang career. (CLICK HERE for related article)

Second-degree cousin naman niya ang Blusang Itim star na si Kylie Padilla.

Na-curious tuloy ang press kung may namamagitan bang kumpetisyon sa kanila, lalo pa't isa ring Breakthrough Beauty ang anak ni Binoe (nickname ni Robin).

Ang giit naman ni Bella, "Well, for us, no comparison. Kasi before, in show business, ang dami nang negative na tao, kung pati family mo negative, it's gonna be hard.

"So, as much as possible we try to be supportive with each other."

Kuwento pa niya, si Kylie raw ang isa sa mga unang bumati sa kanya noong naging isa siya sa leading ladies ni Aljur Abrenica sa primetime show ng GMA-7 na Machete.

"When I did Machete, she was one of the first people who congratulated me," wika niya.

"So when I found out na siya yung magbu-Blusang Itim, ako din yung unang nag-congratulate sa kanya.