"Naghahanap lang kami ng tamang tiyempo na ipakita ang bata. At saka siguro ako bilang nung time na nagbuntis ako, ayoko naman na magpakita kami ng baby ko na pareho pa kaming namamaga. So, at least ngayon, pareho na kaming maayos ang pangangatawan," says Judy Ann Santos about her son Lucho.

Photo: Noel Orsal

Tamang panahon lang daw ang hinihintay ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo bago isapubliko ang kanilang magsa-sampung buwang anak na si baby Lucho, via a milk bath commercial kasama sila at ang isa pa nilang anak na si Yohan.

Ayon kay Judy Ann, sa taped interview sa kanya ng Startalk TX, "I think it's about time to share our baby to everyone, kasi parang masyado nang sinasabi ng mga tao na napaka-selfish naming ipakita yung bata.

"Hindi naman po, naghahanap lang kami ng tamang tiyempo na ipakita ang bata.

"At saka siguro ako bilang nung time na nagbuntis ako, ayoko naman na magpakita kami ng baby ko na pareho pa kaming namamaga.

"So, at least ngayon, pareho na kaming maayos ang pangangatawan."

As a young parent though, marami nang natuklasan ang aktres tungkol sa pagpapalaki ng anak.

"Enjoy every moment that you have with your child or with your children because you really can't turn back time anymore, and pag lumaki na sila...

"Enjoy-in ninyo yung time na gusto pa nila kayong makasama sa mall, gusto pa nila kayong makasama kumain.

"Important also to be honest with your children para kapag lumaki sila, very open yung communication ninyo, walang mangyayaring taguan."

Kapansin-pansin ang mabilis na pagpayat ni Judy Ann, who subscribes to Cohen diet na akma raw sa kanyang blood type.

"Sinasabayan ko lang din siya ng exercise hangga't kaya, vitamins, kasi importante rin yun.

"Palagi kong sinasabi, malaking bagay din yung buong puso ka nang magdi-diyeta.

"You owe it also to your partner to look good kasi ang guwapo nga ng asawa mo, tapos ikaw naman, e, lolosyang-losyang, parang nakakahiya naman.

"Nakikita din ni Ryan na pumapayat na ako, tapos parang dalaga ka lang uli, na kinikilig ka kapag binabati ka ng asawa mo, 'Aba, seksi ka na ulit, a!'