Isabel Granada says looking young is a setback in getting mother roles

Allan Sancon
Wednesday, August 03, 2011 @ 10:32AM  |  22902 views

Isabel Granada on why she can't get mother roles: "Sa akin, walang problema sa akin, kahit nga 20 [years old] na nga magiging anak ko sa movie or TV. Walang problema sa akin. But the thing is, yung rehistro natin [ko] sa TV, siyempre iba. Para lang daw kaming magkapatid [ng mga nagiging anak niya sa TV]."

 

Photo By: Allan sancon













Dinalaw ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pictorial ni Isabel Granada sa Cainta Rizal, para sa bago nitong endorsement na Vital-C. 

Kahit mayroon na siyang asawa at anak, halos walang ipinagbago sa  kagandahan at kaseksihan ng magaling na singer-actress.

Kumusta naman ang pictorial ng bago niyang endorsement?

"Everyone was happy naman with the outcome nung photoshoot," panimula ni Isabel.

"'Tsaka lahat naman had fun. Hindi masyadong seryoso yung pictorial namin. Nag-enjoy kaming lahat."

NEW SHOW. Masayang ibinalita ni Isabel na soon ay makikita na siya uli sa telebisyon na umaarte.

"This September or October makikita niyo na uli ako sa GMA-7. Abangan niyo na lang po kung ano yun?

"Secret. Di puwedeng sabihin sa ngayon kung ano yun. Sorpresa na lang po. Basta, kakaiba siya!"

Medyo matagal-tagal din yatang nawala siya sa sirkulasyon?

"Actually, hindi naman ako nawala. I was busy during the election. Then after elections, I went to Japan and the States for the concert tour.

" After that, medyo nawala tayo sandali. Actually, maraming offers. All channels have offers, kaya lang, yung offers mother role.

"Sa akin, walang problema sa akin, kahit nga 20 [years old] na nga magiging anak ko sa movie or TV. Walang problema sa akin.

"But the thing is, yung rehistro natin [ko] sa TV, siyempre iba. Para lang daw kaming magkapatid [ng mga nagiging anak niya sa TV].

"Wala akong magawa kahit na i-insist ko na okay lang sa akin. They [production people] don't want us to see na parang alanganin."

MOMMY OF HUBERT. Eight years old na ang anak niyang si Hubert. Kumusta naman ang kanyang pagiging mommy?

1  2  3  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name