Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang model turned actor na si Mikael Daez sa taping ng Amaya sa Pagsanjan, Laguna, last Monday, August 1.
Ang unang tanong namin kay Mikael ay kung ano ang pinakagusto niya sa karakter niyang Lumad sa Amaya at kung saan siya pinaka-nahirapan?
"Pinakagusto kong eksena? Well, actually yung pinakagusto kong eksena yung mahihirap, e.
"Well, two scenes come to mind. Yung una yung flashback scene, yung kasama si Sarah [Lahbati].
"And the other one, yung scene na away kay Vice Gov [Daniel Fernando], who plays Atubang.
"Kasi 'yon yung unang scene ko na sobrang bigat, so very challenging siya.
"Ang dami kong natutunan before and after, so alam mo yung parang 'yon yung mga eksena kung saan maggu-grow ako as an actor and as a person.
"Kasi madami kang matututunan and these are the things na parang nagiging memorable sa character mo, e.
"Ito yung mapapansin ng audience, so siyempre sa akin, I want to improve all the time.
"So, pagkatapos ng mga eksenang yun, kinakausap ko yung mga acting coach, si Miss Camille [Gomba-Montaño, Amaya's executive producer], sina Direk [Mac Alejandre], of course.
"And yun, tinatanong ko sila kung paano pa ako mag-i-improve," kuwento ni Mikael.
Sino ang mga kadikit o ka-close niyang co-actors sa Amaya?
"Well, yung nakaka-tent ko lang lagi si Dion [Ignacio], si Tito Roy [Alvarez], si Pancho [Magno].
"Si Sheena [Halili], hindi kami magka-tent, pero lagi kaming magkasama sa eksena. So, sila yung naging close kami.
"Of course, sina Sid [Lucero], Marian [Rivera], lagi kong nakakausap before each take.




0

