Cesar Montano says son Diego Loyzaga is an "angel" compared to him when he was younger

Glen P. Sibonga
Monday, August 08, 2011 @ 09:26PM  |  30162 views

 

"Matigas ang ulo nito, e. Ako rin sobrang tigas ng ulo ko. Kasi artist din ito, e. May sarili siyang belief. But that's good, I don't take it negatively," says Cesar Montano about his son, Diego Loyzaga.

Photo By: Glen P. Sibonga













Masayang tumuntong si Cesar Montano sa stage ng Bandstand area sa Enchanted Kingdom sa Sta. Rosa, Laguna kahapon, August 7, kung saan siya ang nagsilbing celebrity storyteller para ibahagi ang kuwento ng buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal sa mga manonood na karamihan ay mga bata.

Espesyal kay Cesar si Rizal dahil minsan na niya itong ginampanan sa pelikula noon, ang Jose Rizal ng GMA Films.

Ikinatuwa pa niya ang presentasyong ginawa habang siya ay nagkukuwento.

"Tuwang-tuwa nga ako, pumapalakpak ako. Sabi ko, 'Ang galing naman ng ginawa n'yo.'

"Sa interpretation na ito ay madaling maka-relate ang mga kabataan lalo na yung ginamit na mga kanta, bago.

"Kaya, I'm so happy na ginawa nila ito. Itong uri na ito ang kailangan sa henerasyon ngayon," sabi ni Cesar.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Cesar pagkatapos ng kanyang storyteling stint.

Sabi pa ni Cesar, hindi ito ang unang beses na ginawa niya ito.

"This is my second time. The last time was 2003 pa, matagal na rin, dito rin.

"Buti nga natawagan nila ulit ako dahil, of course, excited ako. I always do this, e."

Ilan sa mga kabataang nanood ay mismong si Cesar pa ang namili para masaksihan ang kanyang pagkukuwento. Pawang mga taga-Sta. Ana, Manila ang mga batang ito.

"Pinapili ako kung sino ang mga bata.

"Tapos nalaman ko na meron palang mga kabataan sa Sta. Ana, kung saan ako lumaki, na nangangailangan ng ganitong klaseng kasiyahan.

"Yung iba mga ulila, nasa bahay-ampunan.

"So, nakakatuwa naman na nabigyan natin sila ng konting kasiyahan.

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

10 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name