Carmina Villarroel says no one will protest if she marries Zoren Legaspi since she is a "widow"

Rose Garcia
Tuesday, August 09, 2011 @ 03:36PM  |  73994 views

 

"Wala na akong ibang hahangarin pa sa buhay niya kung hindi happiness. Basta ganito lang, kahit anong gawin niya, basta maligaya siya nang bonggang-bongga at wala naman siyang sinasagasaang tao, go!" says Carmina Villarroel about BB Gandanghari (inset).

Photo By: Noel Orsal













Hindi malaman ni Carmina Villarroel kung matatawa siya nang tanungin na kaya hindi pa raw sila makapagpakasal ni Zoren Legaspi ay dahil hindi pa raw annulled ang kasal noon ng actress-TV host kay Rustom Padilla.

Si Rustom ay kilala na ngayon bilang si BB Gandanghari.

"Wait lang ha, meron pa bang magpo-protesta?" natatawang sabi naman ni Carmina.

Paliwanag pa niya, "Parang 'eto na lang ha, whether totoo 'yan or hindi, meron pa bang magpo-protesta, e, namatay na.

"Wala na, di ba? 

"Di ba, ganoon sa mag-asawa, kapag namatay na ang isa, biyuda na?"

Ang tinutukoy ni Carmina ay ang deklarasyon noon ni BB na "Rustom is dead!" upang magbigay-daan sa bago nitong katauhan. (CLICK HERE to read related story.)

Pero nilinaw naman ni Carmina na matagal nang legally annulled ang kasal nila ni Rustom, na isang dating matinee idol.

"Yun lang ang sinasabi ko, whether matagal na o hindi ang isyu, biyuda na ako!

"Hindi naman yun, busy lang ako. Busy!" natatawa niyang sabi.

Last year pa napag-uusapan na magpapakasal na sila ni Zoren, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito natutuloy. Ano nga ba ang latest dito?

"Alam n'yo, subukan kaya natin na huwag nating pag-usapan masyado.

"Baka sakaling kapag tinanong n'yo na ako, 'Ay, finish na, tapos na.'

"Ngayon kasi, lalong hindi puwede, busy ako.  

"Hindi, busy ako, totoo."

1  2  Next »

Related Articles

46 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name