Masasabing nagsimula bilang isang Kapuso talaga si Maricar de Mesa. Pero mula raw noong 2006, halos nagkasunud-sunod na ang shows at teleseryeng ginawa niya sa Kapamilya network naman.
Natatandaan pa ni Maricar na ang Sana Ay Ikaw Na Nga ang huling teleserye na ginawa niya sa GMA-7 bago siya muling nagbalik ngayon via Sisid.
Maricar believes na wala naman daw siyang anumang bridge na nabe-burn sa ginagawa niyang pagtanggap ng trabaho sa iba't ibang networks.
"Actually, may gagawin nga sana ako sa ABS [CBN]. Tapos si Tita June [Rufino, her manager], kasi, I'm with Tita June.
"Sabi niya, 'Anak, baka gusto mong bumalik ng [Channel] 7? Kina-casting ka nila.'
"Di ba, originally kay Direk Maryo J. de los Reyes 'to [Sisid]? Sabi ko, 'Sige, na-miss ko na.'
"Tagal ko nang hindi nag-GMA. E, doon din naman ako nag-start."
Masaya naman daw siya sa resulta ng naging desisyon niya. Natutuwa siya sa naging role niya sa Sisid bilang partners in crime sila ni Rich Asuncion against Jackie Rice.
"At ang nakakatuwa sa kanya [role niya], hindi siya nawawala since day one.
"Nandoon lang siya palagi at parang siya ang palaging nagku-cause ng gulo."
Matagal din siyang nawala as Kapuso network, hindi ba siya nagkaroon ng pagkailang nang una siyang tumuntong muli rito?
"Noong una, medyo, siyempre. Kinabahan ako ulit. Nag-aalangan ako. Pero noong nag-Party Pilipinas kami, nag-promo, nakita ko yung [mga kakilala] from long time ago pa. 'A, okay, I'm back home.'"
"JACKIE NICE." Ano naman ang naging impression niya sa bida nilang si Jackie Rice, lalo't first time niyang makasama?
"Nakita ko ang improvement kay Jackie from day one. Ang laki ng in-improve niya from day one, acting-wise.
"Attitude naman, ganoon pa rin siya, e. Hindi kasi si Jackie ang tipo na, 'Uy, ate.' Normal lang siya.




0

