Aga Muhlach becomes an explorer for his first TV5 show

Rommel R. Llanes
Thursday, August 11, 2011 @ 08:05AM  |  153 views

 

"I don't know what to expect also sa mga pupuntahan naming lugar. It's different kasi wala akong kasama. Wala akong co-stars. It's just me, the staff, my crew. So, yun lang yun," Aga Muhlach excitedly said about his first TV5 show Pinoy Explorer.

Photo By: Noel B. Orsal













Kakaibang Aga Muhlach ang dumating sa send-off party cum press conference ng TV5 kagabi, August 10, sa Borough sa loob ng The Podium, Mandaluyong City.

May stubble o bahagyang bigote't balbas at naka-heavy rimmed glasses na hinarap ng magpu-42-year-old na aktor (sa August 12) ang mga bisita't media people na dumalo sa Pinoy Explorer presscon na iyon.

Taliwas sa kadalasang hitsura na nakikita ng publiko kay Aga na laging clean cut.

"Wala lang. Gusto ko lang. First time yatang makita akong ganitong hitsura ko, 'no?" sagot ni Aga sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang tanungin kung may pinaglalaanan ba siyang bagong proyekto sa hitsura niyang iyon.

At katulad ng bago niyang show, kakaiba rin daw ang makikitang Aga sa Pinoy Explorer.

Biniro pa ng PEP na "Aga The Explorer" na officially ang bagong bansag sa kanya dahil sa bago niyang show.

Niregaluhan din kasi ng TV5 Corporate PR group si Aga ng isang cake na may maliit na estatwa niya bilang isang explorer.

Pero diin nga ng aktor, iba raw talaga ang Aga na makikita sa sisimulan niyang show sa Kapatid network.

"Ang feeling ko lang kung ano ang ini-expect n'yo na gagawin ko, hindi ganun iyon.

"Basta iba yung gagawin namin. It's not just, you know, ayaw namin siyang maging basta traveler na... basta, marami. Maraming mangyayari sa show," pahapyaw na paliwanag pa ni Aga.

Dagdag niya, "It's nothing like seryosung-seryoso iyong show. Our target audience are not just kids but para sa buong pamilya rin.

"Basta, ang mangyayari, parang kung hindi ko alam yung pupuntahan kong lugar, kasama ko sila na idi-discover yung lugar na iyon."

Gagamitan din daw ng computer graphics at kung anu-anong effects ang show para hindi lang visual ang presentation, kundi kakaibang experience daw para sa viewers ang show.

"Basta, iba yung show. Kakaiba siya," panigurado pa ni Aga.

"NASAAN SI AGA?" Ang isa pang kakaiba sa show ay ang partisipasyon ng mga manonood dito. Bukod sa educational value ay may tsansa pang manalo ng espesyal na papremyo ang viewers.

1  2  3  Next »

Related Articles

15 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name