"Theater is very humbling," sabi ni Ciara Sotto sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), kaugnay ng kanyang latest onstage appearance, sa musical na Sweet Charity ng 9 Works Theatrical, ongoing at the Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza in Makati City.
Dito'y ginagampanan ni Ciara ang papel ni Helene, isang Greek bar dancer/hostess, na second lead sa bidang character na si Charity Hope Valentine, played by singer-actress, Nikki Gil.
But Ciara doesn't mind playing second lead, kahit ang huli niyang appearance sa stage musical last March 2011, ay bilang ang bidang character na si Mimi, sa restaging ng Rent (also by 9 Works Theatrical).
"You cannot put on a 'Diva' mode," aniya. "You cannot be prima donna. All of you are the same, no matter how many lines you say [in the musical].
"Kung dalawa lang [ang lines ng co-actor mo], at ikaw, e, sampu... [it] doesn't make you a bigger actor [or] a bigger persona.
"In theater, everyone is equal. At iba yung commitment and dedication," makahulugang banggit pa ni Ciara.
PRAISES. Doing Helene in Sweet Charity is Ciara's third appearance in a musical, matapos ang kanyang matagumpay na stage/theater debut, in December 2010, sa Magsimula Ka, at the Teatrino, Greenhills.
Nagbida uli ang singer-actress sa Rent, at lalong hinangaan, hindi lang sa ipinamalas na talent sa pag-awit at pag-arte, kundi sa pagsasayaw (pole dancing), wearing revealing outfits.
May pagka-sexy ang naging papel ni Ciara sa ikalawa niyang paglabas sa entablado.
This not very different from her role in Sweet Charity, bilang night club hostess in the 1960s. Naka-body-hugging costume siya, bilang pang-akit sa mga kalalakihan, at sumasayaw nang maharot.
Walang nagiging problema si Ciara sa punto ng pagtanggap sa kanya ng manonood at kaukulang suporta mula sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
In all her undertakings ay laging naroon ang kanyang mga magulang, Senator Tito Sotto and Helen Gamboa. Tanggap nila ang pagpapaseksi ni Ciara sa entablado, dahil makasining ang palabas.
On working with seasoned actor-performers, Ciara said, "It's an honor. I know we still have a lot to learn, but with the help [of our director, Robbie Guevarra], we've been able to work with brilliant and talented people.
May mga nagsasabi na katulad na rin si Ciara ng mga vetaran stage actors, base sa naipamalas niyang husay sa pagganap, na may kasamang pag-awit.
"Hindi po! Halata naman po na hindi po talaga, kasi marami pang kailangang matutunan," pagtanggi niya.




0

