"I play a Filipina expat who works in a hotel; I'm half-American, half-Filipina," Gwen Zamora describes her role in the Indonesian-produced indie, The Witness. She says the film will open in the Philippines early next year.

 

 

Photo: Noel Orsal

Kapuso actress Gwen Zamora is out to prove that she is more than just a pretty face. She recently signed a contract for an independent-produced film in Indonesia titled The Witness.

At sa live guesting ni Gwen kahapon (August 13) sa StarTalk TX, fresh from Indonesia, ay ibinahagi niya ang kanyang makabuluhang karanasan sa paggawa ng naturang indie film.

Una muna ay ikinuwento ni Gwen kung paano siya napasama sa cast ng naturang pelikula.

Isa raw Indonesian film outfit ang pumunta sa GMA Artist Centre para maghanap ng artistang gaganap sa naturang pelikula.

"A couple of artists were presented and they chose me.

"I'm the witness, from the title, The Witness. I play a Filipina expat who works in a hotel; I'm half-American, half-Filipina."

Mapapanood rin ba ang pelikula sa Pilipinas?

"Opo, it should be out between January or March po. "

Nakatanggap ba siya ng iba pang offers habang nasa Indonesia siya?

"As of now, wala pa po."

Ano ang aabangan sa kanya sa pelikulang, The Witness?

"Intense talaga, I didn't expect my role to be [that] powerful.

"There's a lot of action, a lot of shooting, a lot of blood. Madugo talaga yung Gwen Zamora na makikita ninyo dito.

"All the stunts, I did [myself], so half of my shooting days, I had bruisies everywhere. My kneecap was sort of out for a while, so I was [in and out] of the hospital and I was always on painkillers so it was really intense talaga.

"Ibang-iba [itong] movie talaga compared sa ibang roles na nagawa ko. This is... madaming iyakan. Oh my God! A lot of crying, which you've never seen from me yet."