Jolo Revilla categorically denies rumored romance with Jodi Sta. Maria: "Basta ako, never naman tayong pumatol sa may boyfriend or may asawa."

Rey Pumaloy
Wednesday, August 17, 2011 @ 07:52PM  |  20591 views

 

"Konti na lang nga yung oras ko para sa sarili ko, magdadagdag pa ako, di ba? Focus muna ako sa showbiz at saka sa politics. Siyempre, sa mga constituents ko sa Cavite," says Jolo Revilla about his decision to stay single for now.

 

Photo By: Monching Jaramillo













Wala raw lovelife ngayon si Jolo Revilla, at kahit makipag-date sa ibang babae ay hindi raw niya ginagawa.

"Sa ngayon, wala. Trabaho muna," sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

"Siyempre, napakahirap pagsabayin ang politics at showbiz.

"Kumbaga, ipapahinga ko muna, isasantabi ko muna ang lovelife."

Masasabi bang ang pinakahuling babaeng niligawan niya ay si Melissa Ricks?

"Hindi naman tayong nanligaw kay Mel, e," tanggi niya.

"Last girlfriend ko, last relationship ko, yung kay Lovi [Poe] pa naman. Si Lovi pa rin. 

"Hindi pa rin ako nagkakaroon ng girlfriend."

Bagamat hindi itinanggi ni Jolo na ipinakilala niya si Melissa sa ina niyang si Lani Mercado, pero bilang kaibigan lang daw.

"Wala akong lovelife ngayon. Kahit dating wala. Wala talaga," sabi niya.

Iniisip tuloy ng ibang press na baka kaya hindi nakikipag-date si Jolo sa ibang babae ay dahil kapag nalaman ito ni Kim Chiu—ang leading lady niya sa My Binondo Girl—ay baka lumiit ang chance nitong mapaibig ang dalaga?

"Hindi naman. Hindi naman.

"Siyempre, yung sa akin, kumbaga, napakahirap kung sasamahan ko pa ng lovelife. 

"Konti na lang nga yung oras ko para sa sarili ko, magdadagdag pa ako, di ba? 

"Focus muna ako sa showbiz at saka sa politics. Siyempre, sa mga constituents ko sa Cavite.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

18 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name