Vilmanian Rosanna Roces admits being mesmerized by Nora Aunor

Rey Pumaloy
Monday, August 29, 2011 @ 04:10PM  |  330 views

 

"Para akong nakakita ng mahal na birhen, na para akong na-nuno... yung hindi ako makausap. Hindi lang yung na-starstruck, para kang hinipo ng ispirito santo. Hindi ka makakagalaw sa kanya, susundan mo na lang siya ng tingin. Nakalimutan na, 'Gaga, ikaw si Rosanna!'" says Rosanna Roces about meeting Nora Aunor.

Photo By: Noel Orsal













Nabibigyan na ng kredito si Rosanna Roces bilang mahusay na aktres, pero marami naman daw itong pinagdadaanan sa buhay.

"I think, yun ang ipinagpareho namin ni Ate Guy," pagtukoy ni Osang sa Superstar na si Nora Aunor.

"Kaya yung kaluluwa niya, makikita mo ang pagkatao niya, hindi lang yung pagiging artista niya. 

"Sa akin, walang bearing yung negative issues sa akin. Walang ka-bearing-bearing pag na-meet mo siya [Nora] in person. 

"Makikita mo yung mga mata niya, nagluluha-luha. Para kang... ewan ko, para akong nakakita ng Mahal na Birhen pag nakikita ko siya.

"Noon ko napatunayan na isa lang talaga ang Superstar. Walang kahit na mag-come close," pahayag ni Osang sa live interview niya sa Paparazzi kahapon, August 28. 

Halos pareho raw sila ni Nora sa kanilang acting career ngayon?

"Tingin ko nga, parang ito ang comeback, hindi lang niya, kundi pareho rin kami.  

"Pareho kaming sinisira, pero pareho kaming hindi, e.

"Kung titingnan mo, pareho e. Pareho kaming ina. 

"Ang kaibahan nga lang, hindi ako umalis ng bansa, di ba?"

Huling nagkita at nagkausap sina Osang at Nora sa story conference ng kanilang mini-serye, ang Sa Ngalan ng Ina.

Ayon kay Osang, "Ahmm, kahit sabihin mong... may sense of humor siya na kakaiba. Pareho kaming Gemini at hindi siya gano'n kaseryoso.

"Siyempre, alam mong Superstar. So, mahihiya ka, di ba? Iba ang aura niya.

"We're pushing nga [for her] to be the National Artist. 

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

175 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name