Vilma Santos surprised and proud her son Luis Manzano is open to joining politics

Ruben Marasigan
Saturday, September 03, 2011 @ 07:09PM  |  143 views

Vilma Santos on why she's shooting a new movie: "Magtu-two years na po since [I made] In my Life.  Next year na naman nakatoka kung maipapalabas 'yong The Healing, di ba?" she says. "And before ko ginawa 'yong In My Life, ang gap ko [sa paggawa ng pelikula ay] seven years... Kailangan ko 'yon, e.  Raket ko plus I owe it to my public."

 

 

Photo By: Allan Sancon













Labis na ikinatuwa ni Governor Vilma Santos na maraming Batangueño ang nakiisa sa pinangunahan niyang Alay Lakad kahapon sa Batangas City. 

Hindi lang basta sumamang naglakad ang mga delegates mula sa iba't-ibang bayan sa buong lalawigan, kundi nagbigay rin ang mga ito ng kanilang donasyon bilang ambag sa karagdagang pondong kailangan para sa scholarship ng libu-libong estudyanteng pinag-aaral ng kapitolyo.

Bukod sa 300 thousand pesos na donasyon mula sa provincial government, si Governor Vi at ang asawang si Senator Ralph Recto ay nagbigay rin ng tig-100 thousand pesos na donasyon. 

Fifty thousand pesos naman mula sa anak niyang si Luis Manzano, habang ang naimbitahang guest speaker na si Sarangani Congressman Manny Pacquiao, 100 thousand pesos sana ang ibibigay pero ginawa nitong 200 thousand pesos nang naglambing ng "more" ang mga naroong Batangueno.

Natanong nga ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Governor Vi kung ano ang kanyang naging pakiramdam na talagang nagbigay ng panahon ang Pambansang Kamao para makapunta roon sa Batangas.

"Definitely karangalan ng Batangas iyon," aniya.

"Ang Sangguniang Lalawigan nga, naglabas ng resolution na adopted son siya ng Batangas.  And under my administration, ito 'yong first time na dumalaw siya rito na ako ang Governor.

"At ang maganda pa, 'yong dalaw niya ay very meaningful.

"Malaking plus factor iyon para sa purpose ng aming Alay Lakad kahit 'yon lang presence niya.

"E... nag-donate pa.  Kaya naman sabi ko sa kanya... kapag ako naman ang kinailangan niya sa Sarangani, anytime."

Hindi naman daw sila nahirapan na imbitahin si Pacman.

"He is also close to Vice Governor [Mark Leviste].  He is also close to my son, Lucky.

"Palagay ko, no'ng nalaman niya na Alay Lakad iyon and may purpose, hindi siya nagpahirap ng imbitasyon.

"Alam naman natin na may puso talaga para sa masang Pilipino si Manny.  Every time na may laban siya, iniaalay niya sa mga Pilipino.  At saka namimigay siya ng suporta sa kanyang lalawigan.

"Tapos ngayon meron pa siyang show na namimigay siya ulit.  'Yong medyo excess sa kanyang kayamanan o perang pinaghirapan, at least kitang-kita natin na isini-share niya."

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

43 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name