Isabelle Abiera is now Max Collins. When her contract with ABS-CBN ended last year, she went to the U.S. to figure out what she wanted to do. When she returned, she signed up with PPL Entertainment management, changed her screen name and confirmed plans to join GMA-7.

Photo: Noel Orsal

Pinakabagong  talent ng PPL Entertainment, Inc. si Max Collins. 

Bagamat baguhan, malaki ang nakikitang potensiyal ng PPL kay Max dahil bukod sa looks, may maipapakita rin itong kakayahan sa acting at hosting.

Although nakagawa na rin ng ilang shows sa ABS-CBN, umalis si Max sa showbiz at ngayon ay bumalik siya para i-re-relaunch ang kanyang career sa pangangalaga ng PPL o ni Perry Lansigan.

Nakilala rin siya noon bilang si Isabelle Abiera, hango sa tunay niyang pangalan, Isabelle Abiera-Collins. Pero sa kanyang pagbabalik, makilala na siya sa bagong pangalan niyang Max Collins.

Nakausap ng PEP.ph (Philippines Entertainment Portal) si Max nang makasama siya sa pictorial ng PPL talents last month sa Hacienda Isabella.

Ayon kay Max, "Bagong start po kasi ito para sa akin. Sa ABS, nakilala ako  bilang si Isabelle Abiera. Pero umalis din po ako, pumunta ako ng U.S. Kababalik ko lang. This is a fresh start."

Noong nasa U.S. daw siya, nagtrabaho siya sa company ng tita niya. At that time raw, hindi pa siya sure kung ano talaga ang gusto niyang gawin.

Aniya, "Hindi pa ako sigurado noon. Nang bumalik ako, doon ko lang nalaman na ito [showbiz] talaga, ito talaga ang gusto kong gawin."

Naging bahagi si Max ng Star Magic batch 15. Kasabay raw niya noon sina Jessy Mendiola at Martin del Rosario. 

Naging happy naman daw siya during her stay there. Although now, napi-feel daw niya na posibleng mas maraming opportunity for her outside ABS-CBN.

Alam daw niyang maraming talents ang ABS although, hindi raw niya itine-take negatively kung hindi man siya masyadong na-push noon.

Aniya, "Ako kasi, I believe that it was not meant to be. Yung favoritism naman, I guess, kahit saan channel, meron. So, if it's really not your time..."

AMICABLE. Last year pa raw nag-end ang contract niya sa Star Magic; para kay Max, it was an amicable parting.

"Hindi po ako nag-renew. Nag-isip muna po ako and then, yun nga po, naisipan ko pong mag-transfer kay Sir Perry. Kasi po kay Sir Perry, feeling ko po, tututukan niya 'ko.