Nora Aunor describes her feelings shooting a scene with ex-husband Christopher de Leon for the first time since 1986: "Pareho din."

William R. Reyes
Sunday, September 04, 2011 @ 10:21AM  |  236 views

Sa unang pagkakataon, kahapon ng umaga, ay kinunan nina Direk Mario O'Hara (right), at katuwang na direktor, Jon Red, ang eksenang magkasama si Nora Aunor (left) at Christopher de Leon. Kinabahan ba si Nora sa muli nilang paghaharap ni Boyet?

"Bakit naman?" she says smiling. "Kayo talaga... parang bago nang bago... eksena lang naman yun. Mas hindi ko ini-expect ang reaksiyon ni Ian [Nora's son with Boyet]... tuwang-tuwa siya, kasi matagal din kaming hindi nagka-trabahong tatlo."

 

Photo By: William R. Reyes













Maganda ang mood ni Nora Aunor kahapon, September 2, sa set ng Sa Ngalan Ng Ina, a TV5 mini-serye, na ang location ng taping ay sa kabayanan  o town poblacion ng Taal, Batangas.

Muling binisita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang nasabing location.

Huling araw na ng taping ng TV5 people (cast and technical staff/crew) kahapo, sa nasabing location.

Halos kumpleto na ang pilot week ng Sa Ngalan ng Ina, which was shot in the last two weeks. 

May mga maliliit na scenes at isang malaking political rally scene na hindi nakunan last August 31 dahil sa malakas at hindi tumigil na pag-ulan sa open-air basketball court at gitnang stage.

Meanwhile, ang mga susunod na linggo ng serye ay mostly interior scenes, na napag-alaman din ng PEP na posibleng dito na sa Manila at karatig-lungsod kukunan.

Sa unang pagkakataon, kahapon ng umaga, ay kinunan nga nina Direk Mario O'Hara, at katuwang na direktor, Jon Red, ang eksenang magkasama si Nora at Christopher de Leon.

Ang iba pang kasama ay sina Rosanna Roces, Eugene Domingo, at mga young actors ng Kapatid network na sina Edgar Allan Guzman, Nadine Samonte, Joross Gamboa, Eula Caballero, at Alwyn Uytingco.

Kasali rin sa cast members na nakunan ng eksena sina Karel Marquez at Jay Aquitania, veteran character actors Racquel Villavicencio and Leo Rialp.

Pero agaw-pansin sa lahat ng nakapanood ang madamdaming eksena ng estranged couple, Nora and Boyet, sa malaking simbahan sa Taal.



Unang-unang nagri-rave hinggil sa eksena nina Nora at Boyet ang tunay na anak nilang si si Ian de Leon.

Muling magtagpo sina Nora at Christopher (former lovers sa mini-serye), sa burol ng gumaganap na asawang pulitiko ni Ate Guy na si Bembol Roco (bilang Alkalde ng bayan) na nadamay sa pambobombang ginawa ng mga kalabang pulitiko.



Ano ba ang naramdaman ni Ate Guy sa unang eksenang ginawa, with Boyet, after a long time?



"Pareho din," simpleng sabi ni Nora.  

"Seryoso naman 'yon, e. Drama naman yung eksena..."

Kinabahan ba si Nora sa muli nilang paghaharap ni "Papa" Boyet?

"Bakit naman?" nangiti si Nora.  

"Kayo talaga... parang bago nang bago... eksena lang naman yun. Mas hindi ko ini-expect ang reaksiyon ni Ian... Tuwang-tuwa siya, kasi matagal din kaming hindi nagkatrabahong tatlo."

1  2  3  4  5  6  Next »

Related Articles

52 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name