Very vocal ang newcomer na nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith sa pagkakaroon nito ng crush kay JC de Vera habang ginagawa nila ang ipalalabas nilang serye na Utol Kong Hoodlum sa TV5.
Hindi lang sa presscon ng nasabing action serye nagpahayag ng kanyang saloobin ang dalagitang newbie kundi maging sa harap mismo ng TV camera nang sabay silang mag-guest ni JC sa Paparazzi kahapon, September 4.
Inulan ng tukso si JC sa mga pahayag ni Jasmine at kinilig naman ang hosts ng showbiz talk na sina Cristy Fermin, DJ Mo Twister, Ruffa Gutierrez, at Zoren Legaspi.
Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JC matapos ang guesting nila ni Jasmine, umamin din ito na kilig sa kanya ang pagtatapat ng saloobin ni Jasmine para sa kanya.
"Well, yes. First of all, important para sa isang mag-partner ang mag-open [up] sa isa't isa," bungad ni JC sa kanya namang saloobin.
"Ngayon, kung very open siya [Jasmine] sa nararamdaman niya, at open din siya sa pagsasabi ng emotions niya, napakagandang kalalabasan no'n para sa aming dalawa.
"And since gano'n siya, eventually naging gano'n na rin ako.
"Kaya siguro kapag nagsasabi siya ng mga ganong klaseng bagay parang normal na sa aming dalawa.
"Kasi, yun din ang nakasanayan namin sa taping," paliwanag ni JC sa chemistry nilang dalawa ni Jasmine bilang mag-partner.
Hindi raw mababaw kay JC ang narinig na papuri sa kanya ni Jasmine lalo na ang pag-amin nitong crush siya ng dalagita.
"Kasi ano 'yan, e, bihira yung tao talaga, lalung-lalo na yung ka-partner ko.
"Minsan nahihirapan talagang maka-penetrate sa akin, nahihirapan silang umamin.
"Kasi yun nga, sabi parang mahirap nga raw akong kausap. Mahirap akong kasama.
"Yun, na-prove ni Jas na hindi naman ako gano'n.
"So, siya, naka-penetrate siya sa akin nang maayos. Naging close kami. Naging friends kami.




0

