John Prats on Bianca Manalo: "Sana sagutin niya ako."

Rey Pumaloy
Tuesday, September 06, 2011 @ 04:03PM  |  71921 views

 

"Kay Biankie, well mabait na tao [siya]. Sana bukod doon, sana sagutin niya ako. Sana doon papunta lahat. Alam naman niya na dito naman ako lagi kahit hindi ako nagsasalita nang madalas. Nandito ako palagi to guide her and support her," says John Prats when asked about Bianca Manalo.

Photo By: Noel Orsal













Sa presscon ng MSE (Marikina Shoe Exchange) para ipakilala ang  ambassadors ng naturang direct-selling brand kagabi, September 5, sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Quezon City, hindi nakaligtas si John Prats sa pang-uusisa ng press tungkol sa status ng samahan nila ng sinasabing pinakamalapit na babae sa buhay niya ngayon—si Bianca Manalo.

Una, sinabi ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay John na nakita namin siya isang madaling-araw sa Republiq Bar, Resorts World kasama niya si Bianca at si Sam Milby.

Hindi naman ito itinanggi ng young actor.

"Oo. E, kasi, kami naman talaga ang nagsimula ni Sam. Siya ang nag-pilot ng Happy Yippe, Yehey! for a month.

"Lumalabas naman kami as a group.

"Masaya lang talaga kami ngayon. Nakakatuwa lang yung mga tuksuhan.

"Saka, nakakagulat lang na sa edad kong ito, akala ko lagpas na ako sa mga loveteam stage.

"E, may nabuong JohnCa loveteam sa Happy Yipee, Yehey! at marami kaming napapakilig at napapasaya na mga tao," nakangiti niyang sabi.

Sumasang-ayon si John sa mga naunang pahayag ni Bianca na masaya ito sa samahan nila ng nasabing co-host niya sa Happy, Yippe Yehey!.

"Ako rin naman masaya naman ako pag kasama ko siya."

Pero ipinagdidiinan ni John na wala pa silang relasyon ni Bianca.

"Wala pa namang aaminin. Pero, masayang-masaya talaga kami pag magkasama kami," sabi niya.

Nag-comment din siya sa narinig niyang balita na madalas siyang akbayan ni Bianca pag nasa labas sila.

"E, hindi ko naman siya kayang akbayan. Kahit gusto ko siyang akbayan, mangangawit lang ako!" pagbibiro niya, na totoo rin naman dahil mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada si Bianca.

Isa lang daw ang aaminin ni John, yun ay ang pagkakaroon niya ng gusto kay Bianca.

1  2  3  Next »

Related Articles

57 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name