Bilang Kapamilya talent, hindi rin naiwasang matanong ang singer-actor na si Sam Concepcion tungkol sa nangyaring gulo sa pagitan nina Matteo Guidicelli at Coco Martin noong Sabado ng gabi, September 3, matapos ang Star Magic Ball sa The Peninsula Manila. (CLICK HERE to read related story.)
Dumating si Sam sa naturang ball bilang escort ng young actress na si Julia Montes.
Ayon kay Sam, wala na siya sa Manila Pen nang naganap ang sinasabing "altercation" between Coco and Matteo sa Salon de Ning ng five-star hotel.
"Nabalitaan ko po yung nangyari, but I don't know much about it.
"Wala na po ako sa Manila Pen nung nangyari 'yon, pero nabalitaan ko kaagad sa usher natin.
"Well, for someone who is out of it, [I'm] just a little sad na may nangyaring gano'n sa special night, na kung saan we [Star Magic stars] are trying to promote camaraderie with each other. Alam mo yun?
"Pero, ayun, things happen talaga. I hope that everything turns out for the better."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Sam sa sneak peek ng musical na Peter Pan ng Repertory Philippines at Stages sa 5th level function room ng Waltermart Mall, Pasong Tamo, Makati City, noong September 5.
As to Sam's own experience attending the Star Magic Ball, maganda naman ang mga nai-share niya sa PEP at iba pang media people.
"Sobrang saya!" smiled Sam.
"Minsan lang mangyari sa Star Magic Ball yung... just magsama-sama kaming lahat and bond with each other.
"It's a special night, just for us in the business."
For his date, "Yes, I asked Julia Montes," sabi ni Sam, referring to his leading lady in the Star Cinema movie Way Back Home.
"It was really fun! Ang lahat ay naghanda. Pinaghandaan talaga. Everyone looked fabulous!
"My suit was done by Pepsi Herrera. Very nice!"




0

