"For me naman, I only focus on positive publicity. 'Yong mga negative, hindi ko talaga binabasa. Kasi, for me lang, waste of time. I don't need that. I'd like to read mga positive," says young director Paul Soriano.

Photo: Jocelyn Dimaculangan

Iba ang sigla at saya ng direktor na si Paul Soriano nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes ng gabi, September 6, sa Greenbelt 3 sa Makati City. 

Maganda kasi ang review sa pagkakadirehe niya sa pelikulang Thelma, na pinagbibidahan ni Maja Salvador.

Sa katunayan, Graded A din ito ng Cinema Evaluation Board (CEB).

"We're overwhelmed!" bulalas ni Direk Paul. 

"Fantastic... We're very thankful to the Cinema Evaluation Board for appreciating the film. You know, we worked very hard.

"So to get an A, just means we did a great job."

Maganda rin ang feedback sa acting na ipinamalas ni Maja sa pelikula. At ikinatutuwa rin daw niya iyon.

"Si Maja for me, best actress siya rito. She carried the movie from start to finish. 

"There's no other person talaga to play the role of Thelma but Maja Salvador.

"Fantastic siya rito. Matapang siya. Passionate. 

"Lahat ng gusto mo sa isang artista, na kay Maja 'yan.

"And you will see it in the film.

"Lahat ng press nga no'ng first premiere night namin last Sunday [September 4], ang tanong, 'Bakit si Maja?'

"No'ng natapos nilang napanood ang pelikula, sabi nila, 'Ay, alam na namin kung bakit si Maja!'"

Ano ba ang nakita niyang strength ni Maja as an actress?