Muling bumisita ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa set ng TV5 mini-serye na Sa Ngalan ng Ina last Wednesday, September 7. At muli ay na-interview namin ang bida ng drama series na si Nora Aunor.
From Taal, Batangas (mula August 22 hanggang September 2) and Bosoboso, Antipolo City (last September 5), buong araw at hanggang past midnight (on September 8) naman ang pagte-taping nina Nora and co-actors, with Direk Mario O'Hara and staff, sa Salve Regina General Hospital sa Marikina City.
Maaga pa rin ang call time ni Ate Guy kaya mas maaga siyang nakauwi, bago maghatinggabi.
Mga eksena nila nina Alwyn Uytingco at Edgar Allan Guzman ang karamihang kinunan. Pero mayroon ding mga eksena sina Nora at ang anak niyang si Ian de Leon, na nadatnan ng PEP bandang hapon na nakikipagkulitan sa mommy niya.
Before dinner break ay nauna naming in-interview si Ian, with Ate Guy, in the same room, na may ibang kausap.
Pero puro rin tungkol kina Nora at Christopher de Leon, Ian's dad, ang binabanggit ng aktor.
At one point, natutuwang na-mention ni Nora na crush ng anak niyang si Ian, noong bata pa ito, si Lorna Tolentino.
Nabanggit kasi sa usapan na lilipat na sa TV5 si Lorna.
"Napakabata pa niya [Ian] noon, pero may crush na," natutuwang pagbabalik-tanaw ng Superstar.
Isip-isip din daw niya noon, "Yung anak ko, ibang artista ang gusto!"
Pero si Ian, panay naman ang "bawi" sa kanyang mommy.
Like, ipaparinig talaga kay Ate Guy, "Kay Mommy ako, loyalista ako, e!' Or, "I'm proud of both my parents...'
Tungkol sa pagiging "makulit" like his dad, sabi naman ni Ian, "Hindi ako nagtataka kung saan ko nakukuha yung mga kakulitan ko... Si Mommy, ayan, mahal na mahal ko!"
At tumawa nang malakas ang actor-son ni Guy.
Natatawa na lang si Nora, who's pleased with Ian's words. "Alam ko yun. Di na kailangang sabihin yun. Nararamdaman naman, e."




0

